Chapter Forty Nine

262K 6.3K 298
                                    

FORTY NINE

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Tangna, bad timing pa." Rinig kong bulong niya sa sarili niya habang isinasara niya ang zipper ng shorts niya sa harapan ko.

Umupo naman ako sa kama ko habang hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya. Para siyang tanga na nagpapabalik-balik sa harapan ko at hindi mo malaman kung natatae ba siya o hindi.  Pinapanood ko lamang ang bawat paggalaw niya.

"Pumirmi ka nga!" Naiirita kong sabi sa kanya. Tumigil naman siya bigla at saglit na tumitig sa akin.

"Dammit." He turned his back towards me and I frowned again. Ano bang problema ng lalaking 'to?!

"Kung wala ka ng gagawin sa kwarto ko, pwede ka ng lumabas dahil kanina ko pa gustong matulog. H'wag mo ng sayangin ang oras mo sa akin, Travis dahil hinding-hindi na kita bibigyan ng pake kahit kailan." Mariin kong sabi sa kanya at tsaka ako humiga sa kama ko. Hindi naman siya kumilos at nanatili pa rin siya sa kinatatayuan niya. Nakakatitig lamang siya sa akin na para bang binabasa niya kung ano ang nasa isip ko. Hindi ko naman mapigilan ang hindi mapaiwas ng tingin.

Pakiramdam ko kasi ay nag-iinit ang katawan ko sa mga titig na ibinibigay niya. Ibang-iba kasi iyon hindi katulad dati. He really changed a lot. He looks so matured and a real man with his masculine body and boyish grin. Mas nadepina ang katawan niya at mas lumaki iyon hindi katulad dati na medyo payat pa siya. Malaki rin ang itinangkad niya at ang mas nakapagdagdag sa pagkalalaki niya ay ang kanyang balbas na parang kaka-ahit pa lang.

"Jeorge." He says in a very low voice. He's now calm and his face is really serious. I don't know what's going on his mind.

"Leave, Travis." Mariin at seryoso kong sabi sa kanya. Umuwi ako ng Pilipinas para magsaya at hindi para magpakatanga ulit sa kanya. Hindi ako ipinanganak kahapon para bigyan ng isa pang pagkakataon si Travis na muli akong saktan. Yes, I moved on but it doesn't mean, I won't forget what's in the past.

"Jeorge, I still love you." Seryoso niyang sabi sa akin habang hindi inaalis ang titig sa mga mata ko. Bumilis ang pintig ng puso ko sa sinabi niya at pakiramdam ko ay sasabog ang sistema ko ng dahil doon.

Mahal niya pa rin ako pero nagawa niya akong lokohin at iwan noon? Mahina akong tumawa habang umiiling.

"And I don't." Seryoso ko rin na sagot sa kanya. Nakita ko naman ang biglang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya. Halatang naapektuhan siya sa sinabi ko sa kanya dahil agad siyang natigilan. Hindi siya nakasagot sa sinabi ko at nakatitig lamang siya sa akin habang bagsak ang mga balikat niya.

"I see." Mapaiit siyang ngumiti sa akin at hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong nanghina sa pagngiti niyang iyon. Dahan-dahan siyang tumalikod sa akin at walang salitang lumabas ng kwarto ko.

Mas lalo akong nanghina ng lumabas na siya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko pero para bang hindi ko dapat ginawa iyon sa kanya. Ayoko namang paasahin siya at hindi ako ganoong klase ng babae. Mas maganda na iyong sinabi ko sa kanya ang totoo kesa naman guluhin pa niya ako. Tama na iyong maraming beses akong nasaktan ng dahil sa kanya dahil sapat na 'yong maging rason para hindi ko na siya muling balikan pa. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at hinayaan ang sarili kong dalawin ng antok. Nakatulog ako na siya ang laman ng isipan ko.

NAALIMPUNGATAN ako sa ingay ng nanggagaling sa may ibaba. Marahan akong bumaba sa kama ko at dumiretso sa banyo. Saglit lamang ang itinagal ko roon at agad din akong bumaba. Madilim na sa labas at ng tignan ko ang malaking orasan namin sa may sala ay alas otso na ng gabi. Nadatnan ko si Eugine na nilalaro ang anak ni Kuya. Wala sa sariling napangiti naman ako.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon