Chapter Forty

236K 5.7K 291
                                    

FORTY

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Travis, h'wag kang magmadali. Baka mabangga tayo!" Kinakabahan kong sabi sa kanya pero parang wala siyang narinig at mabilis pa rin ang pagmamaneho niya, at kahit na naka red light ay tinahak pa rin niya ang intersection na nadaanan naming dalawa. Mas lalo akong kinabahan lalo na't patuloy siya sa pag-iyak kahit na tahimik siya. Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya. Alam kong kailangan niya ako ngayon kaya hindi ako aalis sa tabi niya.

"Travis, I'm just here, okay? Don't be afraid." Mahinahon kong sabi sa kanya. Nasa kalsada lang ang atensyon niya at mabilis pa rin ang pagpapatakbo niya ng sasakyan. Tinawagan ko na sina Mommy na pupunta kami sa ospital para tignan ang lagay ng mga magulang niya. Alam kong mayroong masamang nangyari at tahimik akong nagdarasal na sana, nasa maayos silang kalagayan.

Ilang minuto lang din ang nakalipas ay nakarating din kami agad sa ospital na sinabi sa amin ni Tito Arthur. Mabilis kaming lumabas ng sasakyan at patakbong pumasok sa loob. Agad kaming dumiretso sa nurse station at tinanong ang pangalan ng mga magulang niya. Hindi mawala ang kaba sa dibdib ko at para bang mayroong masamang mangyayari.

"Sir, may isinugod po rito na mag-asawa fifty minutes ago. Nasa ER po sila ngayon—" Hindi na pinatos ni Travis ang sinasabi nang nurse at agad kaming umakyat papunta sa emergency room. Nadatnan namin sa labas si Tito Arthur kasama si Tita Sindy na nakayakap sa kanya. Mugto ang mga mata ni Tita Sindy habang impassive naman ang mukha ni Tito Arthur.

"Nasaan sila?" Mahinahon ngunit mayroong laman na tanong ni Travis. Hinawakan kong muli ang kamay niya, mahigpit na mahigpit.

"Travis, we still don't have any news about them. Just stay calm, okay?" Ani Tito Arthur.

"Stay calm?! How would I stay calm if my parents are in that fucking room?!" Sigaw niya. Lumapit naman agad si Tita Sindy sa kanya upang pakalmahin siya.

"Travis..." Pinapakalma niya ito pero wala rin itong nagawa sa pagwawala ni Travis. I could see tears streaming down to his face. Naiiyak na rin ako pero pinipilit kong maging matapang. Ayokong maging mahina ngayong alam kong walang pagkukuhanan ng lakas si Travis. Alam kong mahal na mahal ni Travis ang mga magulang niya lalong lalo na ang Mommy niya at sana, maayos ang lagay nilang pareho.

"What happened?" Napalingon kami sa may likuran namin. Naroroon si Tito Levinn kasama si Tita Freen at Axcel. Kasunod niya si Tita Lilet, Din at Shaun na ngayon ay hingal na hingal na lumapit sa Kuya niya. Dumating din si Tito Gian kasama si Tita L.A at Rissa.

"They met an accident, Levinn. Nabangga ng isang truck ang sinasakyan nila pauwi." Mahinahong sabi ni Tito Arthur.

"How are they?" Nag-aalalang tanong ni Tita Freen. Hindi naman nakasagot si Tito Arthur at Tita Sindy. Napaupo si Travis sa isang upuan at agad ko siyang dinaluhan. Niyakap ko siya ng mahigpit at doon ko naramdaman ang pag-iyak niya. Narinig ko rin na umiiyak na si Din at Rissa.

"I'm just here, I love you." Paulit-ulit kong bulong kay Travis habang umiiyak siya. Ayokong umiyak dahil dapat matatag ako. Dapat ako ang magsilbing lakas ni Travis ngayong mahina siya. Alam ko kung gaano niya kamahal ang mga magulang niya at alam kong sobrang sakit na nasa ganitong sitwasyong ang dawalang pinakaimportanteng tao sa buhay niya.

Walang siyang sinasabi, umiiyak lang siya habang yakap-yakap ko siya. Lumapit din si Tita Freen at Tita L.A sa amin ni Travis para pakalmahin siya. Si Shaun naman ay tahimik lang sa isang sulok habang nakatitig sa kawalan, at alam kong tulad ng Kuya niya ay nasasaktan din siya.

Naghintay kami roon ng ilang oras at wala pa ring balita. Lumabas muna ang iba at kami naman ay naiwan doon. Nakatulala na lang din si Travis habang hinihintay namin lumabas ang Doctor at kung ano ba ang lagay ng mga magulang niya.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon