Chapter Forty Six

259K 6.5K 546
                                    

FORTY SIX

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

"You look stupid, Ate." Nakasimangot na sabi sa akin ni Eugine habang tinitignan niya ako.

"Why?" Nakangiti kong tanong sa kanya. Masama na ba ngayon ang ngumiti? Sa pagkakaalam ko, wala pa naman akong batas na napag-aaralan tungkol sa pagbabawal ngumiti.

"Tss, are you excited to see your stupid ex?" He asks. Inayos ko naman iyong bag ko sa may harapan niya.

"Why would I be excited to see him? Ikaw na nagsabi na ex ko na siya at hindi na dapat isinusubo ang bagay na inuluwa mo na." Nakangisi kong sabi sa kanya. Nakita ko namang nagtaas siya ng kilay at ngumisi rin siya sa akin.

"Not in my part, Ate. You know, they really love sucking mine." He laughs. Agad ko naman siyang binato ng unan na nasa tabi ko.

"Watch your mouth, Eugine!" Nanlalaking mata kong sabi sa kanya. He just grins at me and I just rolled my eyes. Kahit kailan talaga, wala ng mas babastos pa sa kapatid ko.

I looked at my wrist and it's already six thirty in the evening. I silently muttered something in myself before I stood up. This is my night and no one could ever stop me. I'll let them see who is now the new Jeorge Rivas.

Kinuha ko lamang saglit ang mga gamit ko at tsaka nagpaalam sa mga magulang ko na mayroon lamang akong pupuntahan na party. Pumayag naman sila dahil nasa legal age na ako at alam nila na alam ko na ang ginagawa ko. Sa states kasi, puro rin ako gala at nasanay na rin ang mga magulang ko na makipagsocialize kami sa ibang tao roon.

Sumakay na ako sa sasakyan ko at mahinang ibinagsak ang pinto noon. Binuhay ko na ang makina ng sasakyan ko at agad na pinaandar iyon. Mayroon kami ngayong night swimming at sinadya ko iyon dahil gusto ko silang makita na mapanganga kapag nakita na nila ako.

Aaminin ko, noong mga panahong nasa ibang bansa ako ay pilit akong kinakausap ni Travis. Naroroon na iyong tumatawag siya sa mga kapatid ko para kausapin ako at gagamit ng ibang accounts sa social media para i-stalk ako. Alam ko ang lahat ng iyon pero hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na makausap ako. Gusto kong magdusa siya sa mga kagaguhan niya dahil galit na galit ako sa kanya noon pero ngayon ay hindi na.

Nabali lamang ang pag-iisip ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman iyong kinuha sa may bag ko at sinagot iyon, niloud-speak ko iyon para hindi maging abala sa pagmamaneho ko.

"Hoy, babae! Nasaan ka na? Kumpleto na kami rito at ikaw na lang ang wala!" Sigaw ni Din at mahina akong nagpasalamat na hindi ko iyon itinapat sa tenga ko dahil baka nabasag na ang eardrums ko sa pagsigaw niya.

"I'm near, Din. Are you sure they are all there?" Tanong ko.

"Oo, tsaka si Travis kasama iyong haliparot niyang babae. Wala lang si Heena at Axcel dahil mayroong pinuntahan, hindi pa nga ata noon alam na umuwi ka na eh." Sabi niya sa akin. Napangisi naman ako ng wala sa oras. Aba't mayroon pa siyang kasamang aso? Mukhang magiging maganda ngayon ang gabi ko ah.

"Alright, I'll text you later." Sabi ko at tsaka pinutol ang linya. Nagpatuloy ako sa pagmamaneho habang mayroong ngisi sa labi. I am so excited to your stupid face, Travis.

Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating na rin ako sa resort na sinabi sa akin ni Din. Nakangising bumaba ako sa sasakyan ko at nakita ko ang paglipad ng tingin ng mga lalaking naninigarilyo sa may gilid sa akin. Binigyan ko lamang sila ng isang matamis na ngiti at tsaka pumasok sa loob.

Agad naman akong sinalubong ni Din pagkapasok ko, she's wearing her sexy black two-piece which makes her more attractive. "Bakit ang tagal mo?!" Inis niyang sabi sa akin. Hindi muna kami dumiretso sa may pool at nagmamadaling hinatak niya ako papunta sa isang bakanteng kwarto.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon