Chapter Fifty

294K 6.2K 387
                                    

FIFTY

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"H'wag mo nga akong dramahan ng kung anu-ano! Sino bang tanga ang sinaktan ako?! Sino ba ang nagloko sa ating dalawa?! Sinong gago ang pinaasa at pinagmukha akong tanga, sino?! Hindi ba't ikaw?! Kaya h'wag kang umasta na akala mo ikaw ang mas nasaktan!" Inis kong sabi sa kanya at tsaka ko siya malakas na itinulak. Hindi ko alam kung bakit bigla akong napuno ng dahil sa kanya. Kung bakit hindi ko napigilan ang emosyon ko.

Ang kapal ng mukha niya! Ang kapal niyang sabihin na gusto niya akong bumalik sa buhay niya gayong siya naman ang may kagagawan kung bakit ako nawala sa kanya. Tila ba bumalik iyong dating galit ko sa kanya na matagal ko ng kinalimutan.

"Ang kapal ng mukha mo, Travis. Pagkatapos mo akong saktan, ganyan lang ang sasabihin mo? Ang kapal ng mukha mo!" Mariin kong sabi sa kanya habang dinuduro ko iyong dibdib niya. Punong-puno ng galit ang buo kong sistema at tila ba unti-unting bumabalik iyong sakit na naramdaman ko noon sa kanya.

Hindi siya nagsasalita at tahimik lamang siyang nakatitig sa akin. Bagsak ang mga balikat niya habang ang mukha niya ay puno ng galos na marahil ay natamo niya sa pakikipag-away kanina at sa pambubugbog sa kanya ni Eugine.

"Sorry." Mahina niyang sabi habang nakayuko.

"Sorry? Sa lahat ng ginawa mong pananakit sa akin, sorry lang ang kaya mong sabihin?" Sarkastikong sabi ko sa kanya. Mahina akong tumawa kahit na alam kong nangingilid na ang luha sa gilid ng mga mata ko. I hate this, I hate being sarcastic in the middle of this situation.

Hindi siya nakasagot.

"Wow! Sorry, sorry, sorry!" Tumatawa kong sabi sa kanya. Naramdaman ko ang pagbagsak ng luha sa pisngi ko pero marahas ko rin iyong hinawi.

"Putang ina mo, Travis. Putang ina mo!" Hindi ko napigilan ang mga kamay ko na pagsasampalin siya. Nararamdaman ko ang pagtulo ng luha ko habang patuloy ko siyang sinasampal. Hindi siya kumikilos, hinahayaan niya lamang akong gawin kung ano ba ang gusto kong gawin sa kanya.

Sinampal ko lamang siya ng sinampal hanggang sa mapagod ako, hanggang sa tumigil ako. Niyakap niya ako ng mahigpit habang patuloy akong umiiyak. Nagpaubaya lamang ako sa pagyakap niya sa akin at hinayaan ko ang sarili kong umiyak sa kanya. Ngayon na lamang ulit ako umiyak ng ganito at ang huling pag-iyak ko ng ganito ay siya rin ang dahilan.

Gustong kong matawa dahil siya pa ngayon ang kasama ko at sa kanya pa ako umiiyak kahit na siya ang dahilan kung bakit ako umiiyak ngayon.

"Sorry, sorry." Paulit-ulit niyang bulong sa akin habang mahigpit niya akong yakap. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nasa ganoong posisyon. Basta ang alam ko, mahigpit lamang niya akong yakap. Aminin ko man o hindi, pakiramdam ko ay ligtas ako sa mga yakap niya. Na para bang handa niya akong protektahan sa kahit ano mang bagay. Ganoon ang nararamdaman ko ngayon at hindi ko gusto iyon. Ayoko ng masaktan pa at gusto kong maging masaya naman.

Gusto kong maranasan magmahal at mahalin pabalik.

At alam kong hindi ko mararanasan iyon kung patuloy siyang nasa tabi ko. Kung patuloy niyang guguluhin ang buhay ko at patuloy siyang magiging parte nito.

Kumalas ako ng pagkakayakap sa kanya ng mahimasmasan na ako. Nakita kong kinuha niya ang panyo niya at marahan niyang idinampi iyon sa pisngi ko. Nakatitig lamang ako sa kanya at ganoon din siya. Walang gustong magsalita sa aming dalawa at hindi ko rin naman alam ang dapat kong sasabihin sa kanya.

"Ihahatid na kita." Mahina niyang sabi. Agad naman akong umiling sa sinabi niya.

"I'm good, I can take care of myself." Sagot ko sa kanya at tsaka ko siya mabilis na tinalikuran. Tinungo ko ang sasakyan ko at agad na sumakay roon. Huminga muna ako ng malalim bago muling lingunin ang pwesto niya. Naroroon pa rin siya at nakatanaw sa akin. Mabilis akong umiwas ng tingin at agad na pinaandar ang sasakyan ko.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon