Chapter Twenty One

311K 6.2K 177
                                    

TWENTY ONE

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Talaga, Jeorge? Nagseselos ka?" Ani niya habang mayroong isang malaking ngisi sa kanyang mga labi. Umirap lamang ako sa hangin at hindi pinansin ang sinabi niya. Pinagpatuloy ko lamang ang paglalakad ko at iniwan siya roon.

Hindi ko alam kung bakit pero inis na inis ako sa pagmumukha niya. Wala namang mali sa mukha niya. As a matter of fact, he looks so damn good but I really don't know why I am always pissed everytime I'll see his face. Gusto ko ngang isipin na buntis ako at siya ang pinaglilihian ako pero wala naman akong boyfriend at virgin pa ako!

Nagulat na lang ako ng bigla niya akong akbayan at hinigit ang katawan ko papalapit sa kanya. Pinilit ko namang pumiglas pero sadyang malakas siya.

"Bakit ka magseselos? Hindi ba sabi ko loyal ako magmahal?" Hindi pa rin nawawala ang pagkakaakbay niya sa akin at pilitin ko man na kumawala. Hindi ko na nagawa pa dahil sa pagod na rin ako at gusto ko ng makauwi upang makapagpahinga na.

"Tigilan mo ako sa mga drama mo, Travis. At lokohin mo pa akong loyal ka." Sagot ko naman sa kanya. Hindi maalis ang ngiti sa labi niya.

"Loyal naman talaga ako sa'yo."

"Lokohin mo na lahat, h'wag lang ako, Travis. Tsaka itigil mo na ang panliligaw sa akin, wala ka namang mapapala sa akin at para na rin maituloy mo na ang pambababae mo." Mariin kong sabi sa kanya. Naramdaman ko namang lalong humigpit ang pagkakaakbay niya sa akin na para bang ayaw niya akong pakawalan.

"Ayoko, hindi ako titigil, Jeorge. Liligawan kita kahit pa matagal pa bago mo ako sagutin, kahit pahirapan mo pa ako. Tatanggapin ko at gagawin ko lahat, Jeorge. H'wag mo lang akong patigilin sa panliligaw sa'yo." Seryoso niyang sabi.

"At bakit ayaw mong tumigil? Ayaw mo ba noon? Malalandi mo na lahat ng babaeng gusto mo." Saad ko.

"Ikaw nga lang sabi, ang kulit mo naman! Hahalikan na kita diyan! Kung gusto mo, sa inyo na ako titira. Mag papaalam ako sa mga magulang ko na sa inyo na ako titira para alam mo lahat ng ginagawa ko, ano? Para na rin hindi ka magduda na loyal ako sa'yo! Iyan ba ang gusto mo?" Hindi ko alam kung seryoso ba siya o nagbibiro lang sa mga sinasabi niya.

"Ayoko nga!"

"Ayaw mo pero nagdududa kang nambababae ako. Aminado akong gwapo ako, pero hindi ko ugali ang mambabae." Seryoso niyang sabi. Kinurot ko naman siya sa tagiliran.

"Minsan nga magpakahumble ka! Pulos pagyayabang at kalokohan na lang 'yang mga sinasabi mo." Mahinahon kong sabi sa kanya. Sumilay naman ang ngiti sa mga labi niya at mas inilapit ang katawan ko sa katawan niya.

"Opo, babes. Magbebehave na ako." Nakangiti niyang saad.

"H'wag mo akong tawaging babes. Ang dami-dami mo ng tinatawag sa akin na kung anu-anong pangalan. Baby, babes, sweetheart, honey. Ano pa ba?" Sabi ko sa kanya.

"Grabe ka naman, babes at baby pa lang ang tinatawag ko sa'yo. Ayaw mo ba ng endearment? Pasalamat ka nga tinatawag pa kitang babes at baby ko. Iyong ibang babae ko nga dati, hindi ko alam ang pangalan." Ani niya.

"Di inamin mo rin na may iba kang babae? Akala ko ba loyal ka?"

"Dati lang 'yon, sa ngayon may iba na akong priority." Seryoso pa rin niyang sabi.

"Ano naman 'yon?" Kunot noong tanong ko sa kanya.

"Hindi ano, sino." Sabi niya at tsaka niya ako nilingon. Saglit akong natigilan ng magtama ang mga mata namin. Doon ko naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko ng dahil sa kanya.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon