Chapter Seven

327K 6.8K 405
                                    

SEVEN

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

Halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko ang lalaking nasa harapan ko na nakikipag-halikan sa kung sinong babae sa may tagong lugar ng school. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko o sasabihin ko dahil ngayon ko lang siya nakitang lumalandi nang ganito. Oo, malandi naman talaga siya pero mas malandi siya ngayon.

"Hmmmn." Ungol noong babae habang hinahalikan ni Ravis ang leeg n'ya. Bigla ay parang umakyat ang lahat ng dugo sa ulo ko dahil sa nakikita ko ngayon. Nakita ko ang mga malalanding kamay ni Travis na lumanding doon sa boobs noong kahalikan n'ya at mas lalong nanlaki ang mga magaganda kong mata nang mariin niya iyong pisilin. Parang awtomatikong namang kumilos ang katawan ko at lumapit sa kinaroroonan nila.

"Ravis!" Inis kong sigaw sa kanya. Halos mapatalon naman silang dalawa sa gulat dahil sa lakas ng pagsigaw ko. Agad ko siyang nilapitan at walang sabi-sabing piningot ang kanyang tenga.

"Tang ina—ARAY!" Inis niyang sabi nang bigla ko siyang hilahin palayo sa babaeng kalampungan n'ya.

"Aray ko naman! Tang ina, Jeorge. Masakit!" Reklamo niya habang kinakaladkad ko siya papunta sa may garden ng school. Binitiwan ko naman din agad iyon ng makalayo kami roon.

"Section XIII: School Disciplinary Measures. Article 37: Immoral Acts, such as petting, necking, and pre-marital sex and possession of obscene or ponographic material. Students who will caught doing those major offenses will automically dismiss from the school!" Dirediretso kong sabi sa kanya pagkabitiw ko sa tenga niya na ngayon ay namumula na.

"Wala namang taong nakakakita sa amin ah!" Mariin n'yang giit habang hawak n'ya ang tenga niya na pulang-pula na ngayon.

"Wala?! Ano'ng tawag mo sa akin?! Hayop?!" Inis na inis kong bulyaw sa kanya. Nagsalubong bigla ang mga makakapal n'yang kilay.

"Bakit ka ba nakasigaw?! At ano bang problema mo kung makilaghalikan man ako sa kung sinu-sinong babae?!" Mariing giit n'ya. Bigla naman akong natigilan dahil sa sinabi n'ya.

Bakit nga ba ako nangingielam kung makipaghalikan siya sa kung sinong babae diyan sa tabi-tabi? Pakielam ko ba sa malanding lalaking 'to.

"A—Ano." Hindi ko magawang ituloy ang sasabihin ko dahil hindi ko naman talaga alam ang sasabihin ko sa kanya. Ano? Sasabihin kong bigla na lang akong nainis dahil nakita ko siyang nakikipaglampungan sa kung sinong babae n'ya? Aba! No way! I am not going to tell him my own reason. Ano pang isipin ng impaktong 'to kapag sinabi ko sa kanya 'yon. Stupido pa naman siya.

"Ano?! Give me your fvcking valid reason!" Naiinip at iritado n'yang sabi sa akin.

"W—Wala! Sa akin na lang 'yon!" Saad ko at tsaka ko siya tinalikuran. Mabilis akong naglakad palayo sa kanya pero hindi pa ako nakakalayo ng bigla ay hablutin niya ang braso ko at tsaka ako hinatak papunta sa may bakanteng classroom sa may likod ng garden na hindi na masyadong pinupuntahan ng mga estudyante.

"Alam mo bang nabitin ako dahil sa ginawa mo?!" Inis n'yang sabi habang nakatingin s'ya sa akin ng matalim. Aba, may nalalaman pa siyang pabitin-bitin? Kung ibitin ko kaya siya nang buhay? Tutal naman, wala siyang alam kung hindi ang manglandi lang ng manglandi.

"P—Pakielam ko kung mabitin ka! Aba, Montemayor. Dapat nga magpasalamat ka pa sa akin dahil kung hindi kita hinatak doon sa kalampungan mo, baka mabuntis mo 'yon ng wala sa oras! Di naging batang ama ka? Kawawa naman 'yong magiging anak mo! Wala ka na ngang maipapakain sa kanya, binigyan mo pa siya nang tatanga-tangang ama! Isipin mo nga ang mga posibleng mangyari kung natuloy 'yong ginagawa n'yong katangahan doon! God, Ravis. Hindi ko alam na ganyan ka pala talaga katanga!" Dirediretso kong sabi sa kanya at tsaka ako pasimpleng tumalikod sa kanya. Napahawak din ako sa sentido ko at bewang ko para mas epektibo ang pag-acting ko. Wala lang talaga kasi ako masabi sa kanya dahil hindi ko naman alam ang sasabibihin ko sa kanya. Acting ko lang talaga ang lahat ng 'yon para mas mukhang tama pa rin ako kahit na alam kong mali ako. Madali pa namang maniwala ang mga tulad n'yang uto-uto sa ganitong pag-acting ko. Madali naman kasing utuin ang mga tulad n'yang walang alam kung hindi ang lumandi.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon