Chapter Thirteen

325K 7K 601
                                    

THIRTEEN

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Aray ko naman!" Inis na reklamo niya sa akin ng bigla kong diinan ang bulak na mayroong alcohol sa sugat niya. Napadpad kaming dalawa sa may garden dahil ayaw niyang pumunta ng clinic para ipagamot ang mga sugat niya sa mukha. Naawa naman ako kaya ginamot ko siya, buti na lang lagi akong may balak bulak at alcohol.

"Aaray-aray ka diyan! Sino bang tanga ang nakipagsuntukan? Tonta ka talaga eh 'no?" Sabi ko sa kanya at tsaka ko muling diniinan ang bulak sa gilid ng labi niya. Napahiyaw naman siya sa sakit.

"Isa pa! Makikita mo, hahalikan na kita." Sabi niya at akmang hahalikan ako. Binatukan ko naman siya ng malakas.

"Sino'ng tinakot mo? Ako? Aba, Travis. Dapat ang iniisip mo ngayon, 'yang mukha mong puro pasa! Paano ka magpapaliwanag kay Tito Trav? Sasabihin mo na naman na nakipagsuntukan ka sa kung sino? Di binugbog ka na naman ng Daddy mo?! Alam mo minsan, iisipin kong bata ka lang na nakulong diyan sa katawan mong 'yan sa sobrang immature mo. Umayos ka nga, binata ka na at hindi ka bata. Pwede ka ng makabuntis ng kung sinong babae diyan sa kanto!" Inis ko pa rin na sabi sa kanya habang ginagamot ang mukha niya. Sumimangot naman siya sa sinabi kong iyon.

"Kaya ko ng makabuntis? Di subukan natin para makasigurado." Sabi niya sa akin sabay ngisi. Nagkaroon naman ako ng pagkakataon na matitigan ng malapitan ang mukha niya.

Bakit ganoon? Kahit puro gasgas at pasa na ang mukha niya, ang gwapo pa rin niya.

"Gago!" Sagot ko naman sa kanya. Humalakhak lamang siya sa sinagot kong iyon.

"Tang ina, ang ganda mo talaga. Kaya kita gustong inaasar eh." Nakangisi niyang sabi sa akin habang nakatingin sa may labi ko.

"Kailangang may mura bago ako puruhin?" Mataray kong sabi sa kanya. Kumuha ako ng band aid sa pouch ko kung saan naroroon lahat ng medical aids ko.

"Dami mo namang arte." Sabi niya sa akin.

"Ganoon talaga, dapat maarte ka. Alangan namang bigay agad? Siyempre dapat pakipot muna bago mo ibigay." Sagot ko sa kanya habang nilalagyan siya ng band aid sa mukha.

"Teka, Travis. Umayos ka h'wag kang ngumiti! Nilalagyan kita ng band aid!" Inis kong sabi sa kanya ng bigla siyang ngumiti.

"Sorry baby." Medyo nakangisi niyang sabi. Hindi ko na lang pinansin ang tinawag niya sa aking baby. Ganoon naman talaga 'yan, lahat na lang tinawag na baby. Kalalaking tao, ang dami-daming baby.

"Bakit ba baby lahat ang tawag mo sa mga babaeng trip mo?" Iritable kong sabi sa kanya pagkalagay ko ng band aid sa gilid ng mukha. Lalagyan ko rin ang gilid ng labi niya at sa may bandang sentido niya.

"Ano gusto mong itawag ko? Adult? Ang pangit naman kung tawag ko sa'yo adult. Tsaka ikaw lang kaya ang babaeng binigyan ko ng endearment. Pasalamat ka nga baby tawag ko sa'yo, hindi chuchu." Saad naman niya. Pinisil ko naman bigla iyong ilong niya.

"Palagay mo sa akin? Aso? Gago ka talaga, Montemayor." Mataray kong sabi sa kanya. Humalakhak lamang siya sa sinabi kong iyon.

"God, I really enjoyed talking to like this. You always make me happy, Jeorge." Nakangiti niyang sabi sa akin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Naramdam ko bigla ang pagbilis ng bwisit kong puso. Jusko! H'wag mong sabihin Jeorge na nagpapaapekto ka sa mga pinagsasabi ng malanding nasa harapan mo?

"Ang dami mong alam!" Sabi ko sa kanya sabay iwas ng tingin.

"Siyempre! Squat position, sultry saddle, bed position, sixty—" Bigla kong pinasakan ng bulak ang bibig niya. Wala talaga akong matinong mapapala sa bibig ng Travis na 'to. Inayos ko na ang mga gamit ko at agad na tumayo. Baka kanina pa naroroon si Mang Bert at hinihintay ako.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon