Chapter Fifty Six

252K 5.8K 484
                                    

FIFTY SIX

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Jeorge, sigurado ka bang ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Din habang malungkot siyang nakatingin sa akin. Marahan ko namang pinahid ang luha ko at tsaka pilit na ngumiti sa kanya.

"Ayos lang ako, Din." Sagot ko sa kanya. Nang malaman kasi niya ang nangyari ay agad siyang pumunta sa bahay kasama si Heena, Felice at Rissa. Nabigla sila sa nalaman nila at muling nagkaroon ng preliminary investigation tungkol sa aksidenteng nangyari kay Tita Celestine. Hindi naman nagbago ang tingin nila sa akin at ako pa rin naman iyong kaibigan nila. Lagi nilang sinasabi sa akin na wala akong kasalanan at hindi ko rin naman ginusto ang nangyaring aksidente.

"Uuwi na kami, sigurado kang ayos ka lang? Bukas naman pupuntahan ka namin ulit dito." Mahinang sabi ni Heena.

"Ano ba kayo, ayos lang ako! Salamat sa pag-aalala n'yo sa akin, kahit papaano ay gumaan ang loob ko sa mga pagpapatawa niyo sa akin kanina." Pinilit kong magmukhang masaya sa harap nila. Ayokong pati sila ay maapektuhan sa nangyayari ngayon. Tamang ako na lang ang magdusa, h'wag na sila.

"Oo, girl. Kahit mas feeling dyosa ka sa amin, mahal ka pa rin namin!" Nakangiting sabi ni Din sa akin. Niyakap nila ako ng sabay at pagkatapos noon ay hinatid ko na sila sa may labas.  

"Tawagan mo na lang kami kung kailangan mo ng karamay, ha? Andito lang kami para sa'yo." Ani Heena. Niyakap ko naman silang apat bago sila umuwi. Hindi muna agad ako pumasok sa loob at hinintay kong mawala sa paningin ko ang sasakyan nila.

Nang masiguro kong wala na sila ay pumasok na ako sa loob. Nakakabibinging katahimikan ang sumalubong sa akin ng pumasok ako sa loob. Wala si Mommy at nasa bahay siya ngayon ni Kuya Jake. Panay kasi ang iyak niya dahil nakakulong na ngayon si Daddy. Si Kuya Jake ang nag-aasikaso ng kaso ni Daddy habang si Eugine naman ay hindi ko alam kung nasaan. Mag-isa lamang ako ngayon sa bahay at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin.

Pilit na bumabalik sa isipan ko ang mukha ni Travis ng umalis ito kanina. Bakas sa mukha niya ang galit at pagkamuhi. Hindi ko naman siya masisisi kung ganoon ang magiging reaksyon niya.

My dad was the reason why his mom died.

Hindi ko mapigilan ang muling mapaiyak dahil sa sitwasyon kong ito. Napakakumplekado ng lahat at naiipit ako sa sitwasyong ito.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin, hindi ko alam dahil naguguluhan na ako. Gulong-gulo at gusto ko na lamang mapatanong kung bakit sa dami ng tao ay ako pa ang nabigyan ng ganitong sitwasyon.

"I need you now, Travis." Bulong ko sa hangin kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko. I badly need him right now, pero alam kong hindi pwede.

Galit siya sa akin at marahil ay sa pamilya ko.

Dumiretso ako sa kwarto ko at doon ay nagpatuloy ang pag-iyak ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nagbabakasakali akong mayroon siyang kahit isang text o tawag man lang pero kahit isa ay wala. Napatitig ako sa wallpaper ko kung saan pareho kaming nakangiti roon. Siya mismo ang nagpalit noon at hindi ko na iyon nagawang palitan pa dahil miski ako ay nagustuhan iyon.

Ilang oras akong nasa ganoong sitwasyon ng magdesisyon akong puntahan siya sa unit niya. Sigurado naman akong wala siya ngayon sa bahay nila at kapag nasa ganito siyang sitwasyon ay mas pinipili niyang mapag-isa.

Nagsuot lamang ako ng itim na sweater at dali-daling lumabas ng bahay. Tinawagan ko ang cellphone niya pero nakapatay iyon. Sumakay ako sa sasakyan ko at mabilis iyong pinaandar papunta sa unit niya.

Buong biyahe ay siya lang ang laman ng isip ko. Pilit kong ipinapasok sa isipan ko na magiging maayos ang lahat.

Na matatapos din ito at hindi ito magtatagal. Makakalimutan din ito ng lahat at gigising din ako sa bangungot kong ito.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon