Chapter Twenty Eight

252K 6K 178
                                    

TWENTY EIGHT

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Babe..." Hindi ko pinansin ang panlalandi sa akin ni Travis. Pagkatapos niyang inisin ako kanina at makipaglandian sa kung sinong babaeng may malaking dede. Aba, magdusa siya!

"Hindi babe ang pangalan ko." Masungit kong sabi sa kanya. Inaayos ko na ang gamit ko dahil tapos na ang klase naming dalawa. Dapat kasabay ko si Mae umuwi kaso ang hinayupak na 'to, nauto ata si Mae at iniwan ako.

"Babe naman, sorry na nga eh. Tinetesting ko lang kung magseselos ka kanina." Parang bata pa niyang sabi. Akala naman niya madadaan niya ako sa pagpapacute niya. Ulul siya!

"Ano palagay mo sa akin, patay na patay sa'yo? Hoy, Montemayor. Para sabihin ko sa'yo, kahit landiin mo pa lahat ng babae dito sa buong Pilipinas, hinding-hindi ako magseselos!" Inis na bulyaw ko sa kanya. Gagong 'to, may test pa siyang nalalaman! Kung laslasin ko kaya ang testes niya!

"Babe naman, kahit konti hindi ka magseselos?"

"Hindi!" Singhal ko sa kanya. Lumabas na ako ng classroom namin at nakasunod lang siya sa akin.

"Weh? Hindi nga?" Sabi pa niya na parang ayaw maniwala sa akin.

"H'wag mo akong niloloko-loko, Travis! Makikita mo talaga ang hinahanap mo." Mariin kong banta sa kanya. Ngumuso naman siya sa sinabi kong iyon. Nakasunod pa rin siya sa akin habang papalabas ako ng school. Wala akong sundo ngayon dahil may lakad si Mommy at hiniram na muna niya saglit ang driver ko. Ayos lang naman 'yon sa akin, buti nga at may pagkakataon pa akong makapaggala.

"Sorry na babe oh, mapapagalitan ako ni Mommy kapag hindi kita naiuwi sa bahay ngayong gabi." Mahina niyang sabi. Bigla naman akong natigilan at napalingon sa kanya. Napahinto rin siya at kakamot kamot pa siya sa ulo niya.

"What did you say?!" Kunot noong tanong ko sa kanya. Hindi pa naman ako siguro bingi para hindi maintindihan 'yong sinabi niyang iuuwi niya ako sa kanila ngayon gabi. I just want to clarify what he has said.

"Mommy wants to have dinner with you, eh galit ka sa akin kaya paano kita isasama?" Nakanguso niyang sabi. Napataas naman ang kilay ko sa impaktong nasa harapan ko.

"Siguro ka bang sinabi ni Tita Celestine 'yon?" I lifted a brow at him. Malay ko bang inuuto niya lang ako.

"Oo nga, mukha ba akong nagsisinungaling?" Ani niya.

"Ayokong sagutin, baka masaktan ka lang." Sabi ko sa kanya sabay irap. Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad.

"Jeorge, gusto ka lang naman makausap ni Mommy. Bibihira naman kasing magkaroon ng babae sa bahay at tsaka wala pa akong dinadalang babae sa bahay kaya gusto kitang dalhin doon." Kaswal niyang sabi.

"Lokohin mo pa ako, ikaw? Wala kang dinadalang babae sa inyo? Maniwala!"

"Oo nga! Wala pa nga!" Parang bata niyang sabi. Pinaningkitan ko naman siya ng mga mata na para bang hinuhuli ko kung nagsasabi nga ba siya ng totoo o hindi. Ang hirap kayang maniwala sa taong alam mong sa simula pa lang, loko-loko na.

"Hindi ako naniniwala." Saad ko sabay iling ng ilang ulit.

"Di h'wag! Pinipilit ba kitang maniwala?" Pasigaw niyang sabi.

"Sinisigawan mo ako?" Mataray kong sabi sa kanya.

"Hindi ah, alam mo namang hindi kita kayang sigawan. Tara nga dito, pa-hug." Ani niya at tsaka niya ako biglang inakbayan. Siniko ko naman agad ang tiyan niya at napabitiw siya sa pagkaka-akbay sa akin.

"Nasaan ang sasakyan mo?" Tanong ko. Magtetext na lang ako kay Mommy na sa mga Montemayor ako magdidinner. Papayag naman sila basta ba nagpaalam ako at hindi naman kalayuan ang bahay namin sa bahay nila Travis.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon