Chapter Forty Seven

270K 6.5K 546
                                    

FORTY SEVEN

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"You step in my trap, Travis." I whispered between our kisses, I suddenly felt him stiffened because of what I've said.

"What?" Lumayo siya ng kaunti sa akin at nakita kong kunot na kunot ang noo niya.

"I said, you step in my trap." I whispered again. Mas lalo lamang nagsalubong ang makakapal niyang kilay ng dahil sa sinabi ko.

"Are you doing this because you want to revenge on me?" He asks. Ako naman ngayon ang nagkunot ng noo sa kanya.

"Ano palagay mo sa akin, sira? That's one of the childish act which I won't do in my entire life! Ang ibig kong sabihin, nahulog ka sa pangseseduce ko sa'yo." Natatawa kong sabi sa kanya. Lumayo ako ng kaunti sa kanya at muling umupo sa inupuan ko kanina. Naglabas naman siya ulit ng isang stick ng sigarilyo at muli iyong sinindihan. Agad na nagsalubong ang mga kilay ko at kinuha iyon sa bibig niya. Walang pag-aalinlangan kong itinapon iyon sa kung saan.

"What the hell did you do that?!" He asks, irritably. I lifted a brow at him.

"I still want to live longer in this world, Travis." Maang ko sa kanya. Huminga naman siya ng malalim at tumabi rin sa akin. Binalot ng nakabibinging katahimikan ang paligid naming dalawa at tanging paghinga lang namin ang naririnig ko.

"Sorry." Mahina niyang sabi. Marahil ay hindi niya nakayanan ang katahimikan kaya siya na ang bumasag noon.

"Sorry for being a jerk back then, I never meant to hurt you but I did and I don't have any chance to say sorry to you. I know sorry isn't enough for all the things I've caused to you. Kung gusto mo, pwede mo akong sipain, sapakin, at sabunutan ngayon para kahit papaano mabawasan ang hinanakit mo sa akin." Seryoso niyang sabi sa akin.

Hindi ko naman mapigilan ang hindi mapangiti sa sinabi niya. "Para ka kamong sira, Travis. You've never changed." Umiiling kong sabi habang nakangiti. Mahina ko rin siyang sinuntok sa braso niya at kung iisipin, para bang hindi niya ako sinaktan noon. Na para bang walang namagitan sa pagitan naming dalawa. I smiled bitterly.

Bigla ko siyang inakbayan at naramdaman ko ang pag-tikhin niya ng ilang ulit. Tumingin ako sa kanya at nag-iwas naman siya ng tingin. So, may epekto pa pala ako sa kanya hanggang ngayon?

 

"Pictures are like our pasts, we can look back but we can never go back." Kaswal kong sabi sa kanya.

"Hindi na natin pupwedeng ibalik ang nakaraan at baguhin pa 'yon. The damage has been already done and all we can have to do is to learn about the historical consciousness of those things so we can avoid those things to happen again. Kahit pa sabihin mo sa akin kung ano ang rason mo noon, wala na akong pakielam pa dahil nasaktan mo na ako at hindi mo na maaalis ang katotohanang iyon." Mapait akong ngumiti sa kanya.

He is just gazing at me for the whole time and I suddenly felt conscious because of it. "H'wag mo nga akong titigan!" Sabi ko sa kanya at tsaka ko siya mahinang sinampal.

Mahina naman siyang tumawa at hindi ko alam pero biglang bumilis ang pintig ng puso ko sa pagtawa niyang iyon.

"L—Let's go back, baka hinahanap na nila tayo." Sabi ko sa kanya. Tumayo na ako at agad na naglakad pabalik sa cottege namin.

"Saan ka nanggaling bakit ang tagal mo?" Agad na tanong sa akin ni Din pagkaupo ko sa tabi niya.

"Nagpahangin lang diyan sa labas." Nakangiti kong sabi sa kanya. Bakas sa mukha niya ang pagdududa sa sinabi kong iyon.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon