Chapter Forty One

236K 5.6K 226
                                    

FORTY ONE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

"Travis, kumain ka muna. Kanina ka pa hindi kumakain." Mahinahon kong sabi sa kanya, pero parang wala siyang narinig at malungkot lamang siyang nakatitig sa puting kabaong ng Mommy niya. Bakas sa mukha niya ang pagod na marahil ay sa kawalan ng tulog, nangangayayat na rin ang katawan niya dahil sa hindi pagkain. Simula kasi ng iburol ang Mommy niya ay kakaunti lang ang kinakain niya at lagi lamang siyang nakabantay sa Mommy niya.

"Travis, kumain ka muna kahit konti lang. Magkakasakit ka na niyan sa ginagawa mo." Pagpupumilit ko sa kanya. Huminga lamang ako ng malalim ng hindi pa rin siya kumibo. Tumayo muna ako at lumabas. Mas maganda siguro ang iwan ko muna siya para makapag-isip siya. Alam kong hindi madali ang lahat ng ito para sa kanya lalo na't biglaan ang nangyari at hindi niya inaasahan.

"Hindi pa rin ba siya kumakain?" Napalingon ako sa nagsalita, si Tita Freen. Ngumiti ako at tsaka umiling.

"He really loves his mom. Ngayon ko lang nakita si Travis na ganyan." Ani Tita Freen. Muli akong huminga ng malalim bago sumagot sa sinabi ni Tita Freen.

"Mahirap man po, pero kailangan niyang tanggapin ang katotohanan. He needs to be strong for Shaun and Tito Trav." Saad ko.

"Hindi ko talaga maisip na mangyayari ang ganitong bagay, ang hirap tanggapin pero kailangan. Mayroon talagang mga bagay na hindi natin inaasahan pero kusang dumarating." Saad ni Tita Freen at tsaka ito nagpahid ng luha. Hindi na ako nakasagot dahil hindi ko na alam ang dapat kong sabihin. Tama si Tita Freen, mayroong mga bagay na hindi naman natin inaasahan pero kusang dumarating dahil mayroong dahilan. Hindi naman pupwedeng mangyayari ang isang bagay kung wala itong dahilan at alam kong mayroong dahilan kung bakit ito nangyayari ang mga bagay na 'to kay Travis.

"Mommy." Napalingon kami sa maliit na boses na nagsalita. Nakita kong si Francisco iyon at lumapit sa Mommy niya. Batid sa mukha nito na inaantok na ito, alas diyes na rin kasi ng gabi. Miski ako ay inaantok na rin pero pinipilit kong maging mulat para kay Travis.

"Hindi pa ba tayo uuwi, Mommy? Inaantok na ako." Sabi nito habang kinukusot ang mga mata.

"Doon ka muna sa kwarto nang Kuya Travis mo, nandoon ang Kuya Axcel mo at natutulog." Sabi ni Tita Freen kay Francisco. Pinagmamasdan ko lang sila mag-usap at napapangiti ako kapag sumisimangot si Francisco.

"Mommy, natatakot akong umakyat." Mahinang sabi ni Francisco pero narinig ko pa rin. Hindi ko mapigilang hindi mapatawa, he's so adorable saying that.

"Maiwan na muna kita, Jeorge. Patutulugin ko lang 'tong baby damulag ko." Ani Tita Freen. Ngumiti lamang ako at tsaka tumango. Narinig ko pang nagrereklamo si Francisco na hindi na siya baby habang papasok sila sa loob.

Muli akong huminga ng malalim bago pumasok sa loob. Naroroon pa rin si Travis sa unahan habang nakatitig sa kawalan. Mag-isa pa rin siya at tila ba malalim siyang nag-iisip. Lumapit ako sa kanya at muli siyang tinabihan. Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya.

"Doon muna tayo sa may kusina n'yo, kumain ka muna kahit konti lang. Ayokong makita kang ganyan, Travis. Hindi matutuwa ang Mommy mo sa inaasal mo ngayon." Pagpupumilit ko sa kanya. Lumapit sa amin si Tita Sindy at Tita Jin.

"Sige na, Travis. Kumain ka muna at kanina ka pa walang kain." Mahinahong saad ni Tita Sindy. Hindi siya nagsalita pero tumayo na siya kaya inaya ko siya papunta sa kusina. Umupo siya sa may kitchen counter habang kumuha naman ako ng plato para kuhaan siya ng pagkain. Tahimik pa rin siya at walang kibo na nakaupo.

"Kumain ka na." Sabi ko sa kanya sabay lapag sa harap niya ng pagkain. Hindi siya kumibo at katulad kanina ay tulala pa rin siya.

"Travis..." Humarap ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon