Chapter Thirty One

230K 6.6K 964
                                    

THIRTY ONE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

"What the hell is your problem?!" Nabigla ako nang may biglang humigit sa braso ko at marahas akong iniharap ako sa kanya. Nasalubong ko ang matatalim niyang tingin at hindi naman ako basta nagpatalo roon. I am confident of myself and no one can ever turn me down.

"Don't touch me!" Sigaw ko sa kanya at tsaka ko marahas na binawi ang braso kong hawak niya. I don't care if we were making a scene in the middle of this mall. Nangingibabaw ngayon ang galit at pagkamuhi ko sa kanya.

"Putang ina naman, Jeorge! Bakit ba bigla ka na lang magagalit sa akin nang hindi ko alam ang dahilan?! Nagseselos ka ba?!" Sigaw niya. Napaawang naman ang mga labi ko sa sinabi niya hindi dahil sa pagkagulat, kung hindi dahil sa galit na nananalaytay sa buo kong sistema. He's so stupid asking me that question.

"Oo, nagseselos ako, masaya ka na?! Pagkatapos mong hindi magpakita sa akin ng isang lingo may gana kang tanungin ako ng ganyang mga tanong?! Putang ina mo pala eh!" Hindi ko na kaya pang pigilan ang galit ko sa gagong nasa harapan ko ngayon. Napansin kong marami na ang nanonood sa eksena naming dalawa pero wala akong pakielam! Galit ako at walang pwedeng pumigil sa akin!

"Nasa bakasyon ako at wala ako sa syudad! Hindi naman ako laging nasa tabi mo at hindi naman kita girlfriend para sabihin ko sa'yo lahat ng ginagawa at pinupuntahan ko! You are acting like you are my girlfriend which in fact you are not!" Naramdaman ko ang pagguhit ng sakit sa dibdib ko sa sinabi niyang iyon. Nasaktan ako at patuloy akong nasasaktan.

He's right. I am not his fucking girlfriend so I don't have any rights to be jealous of him and his girl. Wala akong karapatan ni isa, dahil sa mismong bibig na niya nanggaling na hindi niya ako girlfriend.

He's really right.

"Sorry ha? Hindi ko alam na sumobra nap ala ako, akala ko normal pa 'tong ginagawa ko." Sarkastikong sabi ko sa kanya kahit na nasasaktan ako. Naramdaman ko ang pangingilid ng luha sa gilid ng mga mata ko. I hate being sarcastic in the middle of this thing.

Muli ko siyang tinalikuran pero katulad kanina ay muli niya lang akong hinigit papaharap sa kanya.

"Jeorge, I am sorry, I didn't mean to say those words to-" Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya dahil agad na lumapat ang kanang palad ko sa mukha niya. Ramdam ko ang galit ko sa mga palad kong iyon ng sinampal ko siya.

"I am not your girlfriend and you are not my boyfriend. Isinampal ko na sa mukha mo ang katotohanan para naman damang-dama mo." Matapang kong sabi sa kanya. Naramdaman ko ang pagtakas ng mga luha sa mga mata ko pero marahas ko iyong hinawi sa harapan niya. Hindi siya nakapagsalita sa sinabi kong iyon, tahimik lang siyang nakatitig sa akin.

"Para sabihin ko sa'yo, Montemayor. For the seventeen years of my existence in this world, nabuhay ako ng wala ka. Kaya hinding-hindi ka magiging kawalan sa akin. Sa'yo na mismo nanggaling, I am not your girlfriend kaya ibig sabihin lang noon na wala ka ring karapatan sa akin." Mariin kong sabi sa kanya. Hindi naman siya nakapagsalita sa sinabi kong iyon. I just saw him clenched his jaw and his knuckles.

"Ano bang nagawa ko?" Mahina niyang sabi habang diretsong nakatitig sa mga mata ko. Gusto kong matawa sa tanong niyang iyon.

"Ask yourself." I said then I turned my back at him and walked away. Nakakailang hakbang pa lang ako ng bigla akong tumigil. Alam kong nasa likuran ko pa rin siya at alam kong kapag nagsalita ako ay maririnig niya iyon.

"By the way, salamat sa pagpapaasa sa akin." I manage to say. Agad akong umalis doon at dumiretso sa parking lot. Doon ko hindi kinaya ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon