Chapter Thirty Five

291K 6.7K 927
                                    

THIRTY FIVE

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

Nagising ako ng may maramdaman akong mabigat na bagay na nakapatong sa mga hita ko. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at nakita ko sa tabi ko si Travis na mahimbing na natutulog. Nakaawang ng kaunti ang mga labi niya at mahina rin siyang humihilik. Tinitigan ko lang ang mukha niya at wala sa sarili akong napangiti. Ang gwapo ng mokong kahit natutulog lang. I muttered to myself.

Aminado naman ako sa sarili kong gwapo si Travis, sa tingin ko nga ay siya ang pinakagwapo sa kanilang magpipinsan. Dati kay Kuya Greg ako nagagwapuhan pero ng tumagal kay Travis na. Hindi ko alam pero habang tumatagal, mas lalo lamang gumugwapo sa paningin ko si Travis. Lagi ko naman siyang kasama pero iba talaga eh, ang pogi-pogi niya sa paningin ko.

Biglang kumunot ang noo niya at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Pati na rin ang mga binti niya na nakapulupot sa mga binti ko ay humigpit din. Kung nandito lang si Daddy, siguradong lagot 'tong lalaking 'to. Paano ba naman, boxer shorts lang ang tanging suot niya tapos kung makapulupot pa sa akin akala mo sawa. Palibhasa, lasing na lasing na kagabi kaya hindi na nagawang makapag-suot ng pantulog.

Wala sa sariling tinitigan ko muli ang mukha niya. Nahiya ata ang mga pimples at blackheads na tumubo sa mukha niya? Ang kinis-kinis, wala ata siyang pores sa mukha. Samantalang ako, gabi-gabi na lang ata nagkakapimples. Buti na lang at nawawala rin agad. Nilaro ng mga daliri ko ang ilong niya pababa sa labi niya. Ang pula-pula kasi ng mga labi niya. Minsan nga, naiinggit ako sa kanya dahil kailangan ko pang mag lipstick para lang maging mapula ang labi ko samantalang siya wala namang ginagawa pero ang pula ng labi.

Nagulat ako ng biglang hulihin ng kamay niya ang kamay ko. Nagmulat siya ng mata at tsaka niya ako ningitian.

"Good morning, babe." He huskily said. Bakit parang nang-aakit ata itong unggoy na 'to?

"Good morning, ang ganda ata ng gising mo?" Sagot ko. Binitiwan niya ang kamay ko at muling pumulupot sa tiyan ko. Siguro kaya maganda ang gising nito, maganda ang katabing matulog.

"Katabi kita eh. Sana ganito lagi 'no? Sa tuwing magigising ako sa umaga, ikaw lagi ang makikita ko tapos wala ka pang suot na kahit ano kasi nagbaby making tayo." Pilyo niyang sabi. Tinampal ko naman iyong bibig niya.

"Umagang-umaga, Travis. Umayos ka nga!" Suway ko sa kanya. Buti na lang talaga dalawa lang kami dito sa guest room. Tatlong kwarto kasi ang guest room at hindi pumayag si Travis na hindi kami magtabi, lalo na't lasing na lasing siya kagabi at muntik pang magwala ang mokong ng hindi ako pumayag.

"Bakit? Gagawin naman talaga natin 'yon kasi ginagawa talaga 'yon ng mag-asawa. Baka nga kapag nagawa na natin 'yon, ikaw pa mag-insist sa akin at araw-arawin mo ako. Kawawa pala ako kapag nagkataon." Ani niya habang may pilyong ngiti sa mukha. Kinurot ko naman iyong tagiliran niya para matigil na siya pero ang mokong, tinawanan lang ako.

"Sure ka na ba na ako ang babaeng papakasalan mo? Eh hindi pa nga kita sinasagot tapos kung makapagsabi ka na papakasalan mo ako, parang planado mo na ang lahat." Sabi ko sa kanya.

"Sus, kunwari ka pa. Nahihiya ka lang naman na sagutin ako, pero para sa akin girlfriend na kita. Kaya hindi ka pwedeng sumama lang sa kung sinong lalaki. Dapat ako lang, kasi loyal ako sa'yo."

"Loyal mo mukha mo, ikaw nga 'tong malandi sa ating dalawa. Ang dami-dami mo kayang babae." Sabi ko.

"Hindi ah, ikaw na lang babae ko. Ikaw na lang lalandiin ko tapos mamanyakin ko. Naaadik nga ako sa lips mo, kung pwede nga lang, aanakan na kita agad." Sabi niya.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon