1: Natalia

22.9K 234 18
                                        

D E N V E R

Kara
Dude, first gig mamaya, ha?
Kapag ikaw hindi sumipot,
kutos ka sa 'kin.

Text ni Kara ang pinakaunang nabasa ko pagkagising na pagkagising ko. Alas-sais pa lang ng umaga at alas-otso pa ang klase namin, pero ang lala kasi ng traffic nitong mga nakaraan, kaya mas mabuti nang agahan ko na lang.

Okay, chill.

Bakit naman ako hindi sisipot, eh pangarap ko 'to? Isa pa, sayang din iyong ilang buwan naming pagpa-practice. Kahit na iniwan kami sa ere no'ng bokalista namin, may nahanap silang kapalit kaya siguro naman ay hindi kami gaanong magkakalat mamaya.

I know I am miles away from becoming the world's best guitarist, but whenever I strum my fingers against the thin strings of my instrument, I get a strong sense of euphoria I can't even fathom.

It's like all my problems don't even exist. Like I'm a whole new person, living a whole new life, and it's just the best feeling ever.

A different kind of high.

A release.

Almost like an orgasm.

Jolo and I met in the parking area of our building before getting in my car and heading to school together.

Hindi kami nagsasabay noon dahil dinadaanan ko pa si Mads, pero ngayon na hiwalay na kami ay mas praktikal siguro kung magsasabay na lang kami ni Jolo. Ganito rin naman kasi ang ginagawa namin no'ng nag-OJT kami noon. Saka para tipid na rin sa gas.

"Ang sakit ng ulo ko, hayup na 'yan," reklamo niya pagkasakay na pagkasakay niya sa kotse ko.

"Haha. Inumaga ka na naman yata kanila Sasha, eh." Tawa ko. Napapadalas na kasi ang pagtambay niya ro'n sa bahay ng kababata niya. Araw-araw nga ay nando'n siya, hindi gaya dati na madalas ay ako ang kinukulit niya o kung sino man sa tropa.

Pero hindi ko rin naman siya masisi dahil do'n sa lugar na iyon siya lumaki. At ngayon na mag-isa lang siya sa condo niya, tingin ko ay sa kanila niya nahanap iyong pamilya na nawala sa kaniya.

Simula kasi nang nag-asawa ulit iyong nanay niya ay para bang wala na itong pakialam sa kaniya. Maliban sa pagpapadala nito ng pera bawat buwan ay bihira niya raw itong makausap. May bago na rin daw kasi itong asawa at anak, kaya si Jolo ay parang naging parte na lang ng malungkot at mahirap na nakaraan ng sarili niyang ina.

Kilala ko na ang kaibigan ko, at alam kong siya iyong tipo ng taong hindi mapakali na maiwang mag-isa. Gusto niya na laging may kausap, may kasama, may kakuwentuhan. Kaya masaya ako na nagkaroon ulit siya ng komunikasyon sa mga kababata niya.

"Alas-kwatro na 'ko nakauwi. Haha." Tawa niya, habang minamasahe ang noo. "Ang bilis ko talagang tamaan sa Empi, ba't gano'n?" nagtatakang tanong niya, na para bang hindi niya alam na sa aming magtotropa ay siya talaga ang pinakamabilis malasing noon pa lang.

"Kahit naman sa Tanduay Ice at San Mig Light, nalalasing ka," sagot ko.

Tumawa lang siya at saka in-adjust ang sandalan ng passenger seat para umidlip. May baon pang Panda na eye cover ang kumag. "Gisingin mo na lang ako, bro, ah? Kulang pa talaga tulog ko, pasensya na," bilin niya, sabay patong ng mga kamay sa ibabaw ng sikmura niya, at mabilis na natulog.

Made for Madeline (Dawson University Series #4)Where stories live. Discover now