55: Blackouts and Secret Prayers

4.2K 106 97
                                        

M A D E L I N E

"Busy ka?" tanong ko kay Darwin habang kumakain ng hapunan na niluto ni Brent.

Ang sarap pa rin talaga niyang magluto. No wonder, ang laki ng inilusog ni Ganja.

"No. The Wi-Fi is just acting up," sagot niya habang mahinang tinatapik iyong router sa tabi niya.

"Huwag na muna tayo mag-Skype. Baka naaagaw lahat ng signal mo."

Umiling siya. "I'm not using the Wi-Fi to call you. I have internet on my phone."

"Oh."

"Is there a problem?" mahinang tanong niya.

"H-Ha?" Nanlaki ang mga mata ko. "Problem?"

Binasa niya ang labi niya at saka nag-aalalang tumingin sa akin sa camera. "This is the third time in ten minutes that you suggested I end the call. I'm not busy. I'm not tired. And I don't have an issue with my phone's internet, Mads."

"Oh. Okay."

"Do you need space?" he asked softly. "Ayaw mo ba munang makipag-usap?"

"H-Hindi naman," bulong ko. "Kaya lang..."

"Kaya lang?"

"Hmmm. Ngayon ko na lang kasi ulit nakasama ang mga kaibigan ko. I guess I just want to be... here."

Marahan siyang tumango habang inaaral ang mukha ko. "Alright," sagot niya. "Just call me when you want to talk. Okay?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko at nahihiyang humarap sa kaniya. "Okay," tugon ko.

Nang ibaba ko na ang tawag ay napansin ko kaagad ang pananahimik ng mga kaibigan ko. Kanina naman ay wala silang humpay sa pagkukuwentuhan, pero ngayon ay tila may lumipad na anghel dahil tikom ang bibig nilang lahat.

"Ano?" bulong ko.

Nagkibitbalikat si Jolo. "Naka-loudspeaker ka, eh."

"Ah." Napayuko na lang ako dahil sa hiya. "S-Sorry."

Habang kumakain ay hindi ko mapigilang mapansin na paminsan-minsan ay sumusulyap sa akin si Denver.

Nakaupo siya sa harapan ko, katabi ni Jolo, habang ako naman ay napapagitnaan nina Monica at Pat.

Nang matapos akong kumain ay hinintay kong matapos din sila, saka ako tumulong na magligpit ng mga pinagkainan.

"Wow." Ngiti ni Aubrey. "Tumutulong ka na sa hugasin, ah."

"Ha?" nagtataka kong tanong habang magkasabay kaming nagsasalinsin ng mga pinggan sa may lababo.

"Dati, pagkatapos kumain, ikaw ang pinakaunang umaalis. Nagse-cellphone ka madalas. Hindi ka tumutulong maglinis ng mesa."

Napayuko ako.

"T-Talaga?" nahihiya kong tanong. "Sorry, Aub. Hindi ko napapansin."

Umiling naman siya at saka ako niyakap. "Okay lang iyon. Napansin ko lang kasi na ang dami nang nagbago sa iyo," bulong niya. "We really missed you, Mads."

Made for Madeline (Dawson University Series #4)Where stories live. Discover now