46: Love Means Never Having To Say You're Sorry

4.3K 116 137
                                        

M A D E L I N E

"Wala na akong pakialam, Mads," bulong ni Denver. Hinila niya ang kamay ko bago ako niyakap nang napakahigpit. "Tangina. Hindi ko na talaga kaya."

Parang nagdilim ang paningin ko dahil sa narinig, kaya't agad ko siyang tinulak palayo.

"Kayanin mo!" sigaw ko, sabay punas sa mukha ko. "Kayanin mo, Denver, gago ka ba?!"

Kumunot ang noo niya.

"Mads—"

"Nagmakaawa ako sa iyo noon na bumalik ka sa akin, pero si Nami ang pinili mo. Akala ko hindi ko rin kakayanin, pero Denver, kinaya ko," nanginginig na bulong ko. "Huwag mo sabihin sa aking hindi mo kaya na wala ako. Kasalanan mo kung bakit ka nandiyan sa sitwasyon na 'yan, kaya panindigan mo,"

Walang tigil sa pagtulo ang luha sa mga mata ko.

"Ang kapal kapal ng mukha mo para gawin 'yong ginawa mo. Ngayon na lang ako ulit sumasaya, bakit kailangan mong sirain 'to para sa akin?" tanong ko sa kaniya. "Hindi ka na nahiya. Hindi ka na naawa. Si Nami, anong kasalanan niya para saktan mo siya nang gano'n? Si D-Darwin?" Maski pagbanggit sa pangalan niya ay sobrang sakit para sa akin. Hindi ko na alam kung anong mukha pa ang maihaharap ko sa kaniya matapos ang lahat. "Denver, sumagot ka! Anong kasalanan nila?"

Hindi na siya nakasagot pa.

Naglakad ako papunta sa pinakadulong cabana at doon umupo.

Hindi ko kayang bumalik sa kwarto dahil paniguradong magpupunta ro'n si Myst upang tingnan ang lagay ko.

Hindi rin naman ako makabalik sa party area dahil tiyak na marami pang bisita ro'n, at nando'n din sina Darwin at Nami.

Hindi ko napag-isipan nang mabuti ang ginawa ko. Ang alam ko lang ay gusto kong mailayo si Denver kay Darwin no'ng mga panahon na 'yon.

Denver wasn't in his right mind. But I do not blame Darwin for acting the way he did. Napakarami na niyang inintindi at tiniis pagdating sa akin. Hindi na nakapagtatakang sumabog siya.

Magkasabay kami ni Denver na umupo sa magkabilang bahagi ng cabana.

Nakaharap lang ako sa madilim na dagat habang siya naman ay humiga at saka minasahe ang ulo.

"Ang lakas sumapak ng putangina," natatawang bulong niya.

Humarap ako sa kaniya at nagkibitbalikat. "Deserve."

Tumawa siya nang mahina at saka tumango. "Deserve nga."

Huminga ako nang malalim at saka muling ibinalik ang tingin sa dagat.

Kakausapin pa kaya ako ni Darwin?

Paano ako uuwi?

Paano ako aalis dito?

Siya ang kasama kong pumunta rito. Siya pa rin ba ang makakasama ko pauwi?

Ilang minuto kaming nanatili ni Denver na tahimik lang na nagtatago sa cabana. Gaya ko, siguradong nahimasmasan na rin siya at marahil ay pinag-iisipan na rin ang sunod na gagawin.

Made for Madeline (Dawson University Series #4)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ