God gives you a child when you need a reason to live.
Iyon ang sabi nila.
Siguro, iyon nga ang dahilan kung kaya't kahit halos ginawa ko nang finger food ang morning-after pill ay ibinigay pa rin sa akin ang anak ko.
"Where's Patrick?" tanong ni Darwin bago ako hinalikan sa pisngi.
"Nandiyan sa labas, kasama sila Jolo," sagot ko.
Tumango-tango siya sa akin. "I'll just grab a beer," aniya bago naglakad papunta sa ref namin at kumuha ng isang lata ng San Mig Light.
Katulong ko sina Tita Claire at Aubrey na naghahanda ng mga pagkain. Sina Pat at Ganja naman ay nasa taas, kasama ang lahat ng mga bagets.
Sobrang dami ko nang inaanak. Bukod kay Pristine ay mayroon na ring baby boy sina Pat at Axl. Sina Ganj at Brent naman ay mayroon na ring isang babae.
"Ate, how can we help?" tanong ni Max na nakatayo lang din sa kusina kasama ang girlfriend niya.
"Ayos na kami rito," sagot ko. "Tumulong ka na lang sa labas mag-setup bago dumating ang mga bisita."
Tumango si Max at saka hawak-kamay ang nobya na lumabas ng kusina, habang si Macoy naman ay nakabalandra lang sa sala at nanonood ng TV.
Habang tinatapos namin ang mga ise-serve na pagkain ay narinig kong tumugtog mula sa labas ang kantang ginawa ni Denver noon para sa akin.
Ikaw ang una
Ikaw ang tunay
Ikaw ang piyesa
Sa musika ng buhayIkaw ang hiling
Ikaw ang pangarap
Ikaw ang tanging
Dalangin sa alapaapPinilit kong ngumiti pero pakiramdam ko ay tinatraydor ako ng mga mata ko na nagsisimula nang maluha.
Nagpaalam ako kanila Tita Claire at saka naglakad na rin palabas upang magpahangin.
Naabutan ko si Patrick na karga-karga ni Jolo, habang nag-iihaw ng barbecue sina Brent at Justin, at si Axl naman ay nakaupo lang sa isang tabi at nagtutugtog ng gitara.
"Tikman mo lang." Narinig kong utos ni Jolo kay Patrick. "Paborito ng tatay mo 'tong Gin Pomelo!" aniya, sabay dikit ng isang basong alak sa bibig nito.
Sa kabila ng pagtalikod
Hindi magawang lumimot
Puso't isip ko'y sa iyo
Nananatiling bihag moNaghahari
Nangingibabaw
Nananatili
Ikaw, ikaw, ikaw..."Jolo!" suway ko sa kaniya.
Tumingala siya sa akin at saka tumawa. "Tine-train ko na habang bata pa."
"Tigilan mo nga!"
"Bakit si Axl, kanina? Pinapatugtog niya ng gitara. Anong malay nito, liliit pa ng mga daliri nito?" maang-maangan niyang tanong.
"Tine-train ko lang din," malungkot na sagot ni Axl.
Sa kabila ng pag-iwan
Hindi makayang kalimutan
Puso't isip ko'y sa iyo
Nananatiling bihag moBukod-tangi
Bawat araw
Nananatili
Ikaw, ikaw, ikaw...Naglakad ako palapit sa kanila at saka kinuha ang anak ko.
"Hindi si Patrick si Denver," mahinang bulong ko. "Huwag niyo nang ipilit."
Buhat si Patrick ay naglakad ako papasok sa bahay. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang inasta ko. Sa sobrang dalas nila Jolo rito sa amin ay parang sila na ang tumayong ama ni Patrick, pero ngayong nakita kong kumpleto sila... si Axl, si Brent, si Jolo, si Justin, pero wala si Denver... hindi ko mapigilan ang sakit na nangibabaw sa puso ko.
