32: A Whole Lot of Maybes

4.1K 88 62
                                    

M A D E L I N E

"Ikaw na," ani Darwin na nakasalampak sa sahig habang nakaharap sa laptop niya.

Sobrang stressed na ako sa school kaya niyaya ko siyang makipag-inuman at nandito kami ngayon sa condo niya.

Buntonghininga kong kinuha ang shot glass na nakapatong sa mesa at saka sinalinan ang sarili ko ng alak.

Malakas akong uminom, pero shutanginamerz, mas malakas siya.

Puno bawat tagay niya pero wala siyang bahid ng pagkalasing o pagkahilo man lang. May meeting pa siya sa American investors nila mamayang 1 a.m. kaya heto siya at nakikipag-inuman sa akin habang abalang tinatapos ang ilan pang reports na nire-request ng mga kliyente nila.

Hindi ko alam kung anong trabaho niya, sa totoo lang. Minsan ko na siyang tinanong tungkol do'n at minsan niya na rin 'yong ipinaliwanag sa akin nang kumpleto ang mga detalye, pero wala talaga akong naintindihan.

Mataas ang posisyon niya sa kumpanya, at malaki ang tiwala sa kaniya ng tatay nila. Iyon lang ang alam ko.

"Last ko na 'to," reklamo ko. "Hindi ko na kaya. Parang maduduwal na ako."

Tumawa siya at umiling habang nakatutok pa rin sa laptop. "Weak."

"Ugh," ungol ko bago umakyat sa sofa niya at humiga ro'n. "Good luck sa meeting mo. Pipikit muna 'ko."

"Weak," ulit niya.

Kinuha ko ang throw pillow na nasa likuran ko at saka 'yon buong-lakas na ibinato sa kaniya. "Bwisit."

"Haha. Good night." Ngiti niya, saka kinuha ang throw pillow at inilagay sa tabi niya.

Bago ako makatulog ay nakita ko pa siyang isinuot ang ear plugs niya bago muling humarap sa laptop at umayos ng tindig.

Umaga na nang magising ako at amoy ng bacon ang unang sumalubong sa akin. Nang idilat ko ang mga mata ko ay nakita ko ang tulog na si Darwin na walang pang-itaas at natutulog sa kabilang sofa.

Kung nandito si Darwin... Sinong...

"You're awake." Narinig ko ang malambing na boses ng isang babae na nagmumula sa kusina.

Napabalikwas ako at agad na tiningnan kung kanino nanggagaling ang boses na 'yon.

"Good morning." Ngiti ng babae na nakasuot pa ng apron at may hawak na spatula.

Kusang kumunot ang noo ko habang tinitingnan siya. Medyo mabigat pa ang ulo ko dahil sa dami ng nainom ko kagabi, pero sigurado ako na hindi ko siya kilala at hindi rin pamilyar sa akin ang mukha niya.

"You must be Madeline." Ngiti niya. "I'm Isobelle." Lumapit siya sa akin na nakalahad ang kamay.

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pangalan niya.

Isobelle!

"Ikaw 'yong ex ni Darwin?" Umupo ako at pilit na idinilat ang mga mata bago nakipagkamay sa kaniya. Ngayon lang ako nakakilala ng babae na nakikipagkamay. Akala ko, mga lalaki lang ang gumagawa no'n.

Made for Madeline (Dawson University Series #4)Where stories live. Discover now