18: Darwin

4.5K 91 47
                                        

M A D E L I N E

"Sorry, mamsh! Tatapusin ko pa kasi 'yong report natin para kay Miss Belle. Ngayon ko lang nasimulan, eh," paumanhin ni Pat.

"Ah, okay. Sige." Buntonghininga ko. "Good luck!"

"Thanks, mamsh! Si Ganj na lang yayain mo, natapos niya na 'yon, eh."

"Masama raw pakiramdam ni bakla. Alam mo naman 'yon 'pag may dalaw."

Hindi ko alam kung bakit, pero alam ko nang tatanggi siya. Tulad ni Ganja. Pero hindi ko naman sila masisi dahil hindi naman sa akin umiikot ang mundo nila at may kaniya-kaniya rin naman kaming kailangang asikasuhin.

"O-Oh." I could hear Axl talking in the background but it was too muffled, I couldn't understand a word. "Mamsh, I have to go. Uhm, haha. Uhm, bebe time. Love, stop—"

Bago pa ako makasagot ay binabaan na ako ni Pat ng telepono. Napairap na lang ako.

Sana all may bebe time.

Halos magkasabay lang na naging kami ni Denver at naging sila ni Axl. Sa storya namin ni D ay kaming dalawa lang ang bida, samantalang kanila Pat naman ay may mga second lead na itago na lang natin sa mga pangalang Brent Castelltort at Trish Valiente.

But look at us now.

Sila ay engaged na, may conjugal properties, at naghihintay na lang na makapagtapos para makapagpakasal na.

Eh, kami?

Napailing na lang ako habang nagbibihis.

Back to square one.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Mahapdi at medyo namumula pa rin ang bahagi ng pisngi ko kung saan ako sinampal ni Mama. Sanay na ako ro'n kaya lahat talaga ng blush-on na ginagamit ko ay putok na putok.

If there's one thing none of my friends — even Denver — know about me... it's that. I guess they all just assumed that I love wearing highly-pigmented make-up.

Paggising ko kaninang umaga ay wala na si Mama at lumipad na papuntang Aklan. Do'n kasi ang location ng bahay ng bagong kliyente niya.

May-ari ng isang Interior Design Company ang mga magulang ko. Sa loob ng dalawang taon mula nang itayo nila ang kumpanya ay nagawa nilang mapalaki ito at makakuha ng mga big-time na kliyente. For ten years, Clairemont Design Company was the best in the country. Until the arrival of Cozy Interiors which is a US-based company that provides just what my parents company can — for a fraction of the cost.

Ang noong walong branch ng Clairemont Design Company... ngayon ay tatlo na lang. At ang pinakauna nilang branch na itinayo bago pa ako ipinanganak ay malapit na ring malugi at tuluyang magsara.

Maging ang dating kaibigan ni Papa na si Tito Leon ay pinull-out na ang lahat ng stock shares niya at ngayon ay nagtatrabaho na rin sa Cozy Interiors.

"That treacherous motherfucker," my father would describe him. He loathes him so much, he can't even say his name.

"Hindi naman sila lalaki ng ganiyan kung hindi mga mukhang model 'yong designers nila," my mom would say.

Made for Madeline (Dawson University Series #4)Where stories live. Discover now