20: Smile, Stalker

4.1K 93 103
                                        

M A D E L I N E

"I'm not really pregnant, I just said that to get you back," I admitted nonchalantly. "Eh, kaso fail. So, I won't keep pretending na. Imaginary na nga lang, magiging single mom pa ako."

Denver's lip pursed but he showed no other reaction. I can't tell if he's relieved, disappointed, or just plain unaffected by my confession.

"Don't do that again, Mads," mahinahon na bulong niya. Kasalukuyan kaming nakatambay sa loob ng kotse niya at nag-uusap. Hindi ko maiwasang mapansin na may iilang gamit do'n na hindi kaniya tulad na lang ng pink na alcohol, pink na aso, at pink na tumbler.

Kinginang pink 'yan, nakakaumay tingnan.

May kalahating oras pa siguro bago ang simula ng klase naming dalawa. Inaantok pa nga ako pero sinadya kong agahan ang pagpasok ngayon para makapag-usap kami. Hindi kasi ako komportable na may pag-iilangan kaming dalawa. Oo, higit dalawang buwan na kaming hiwalay, pero nanatili pa rin naman kaming magkaibigan. Masyado nang malalim ang pinagsamahan naming dalawa para itapon ko na lang 'yon basta basta. Hindi ko na kayang magsinungaling pa sa kaniya.

"I won't. Iisip ako ng ibang way para makuha ulit kita."

"Mads, please—"

"Bakit ba?" may kalakasang tanong ko. "Kung hindi ka na talaga babalik sa 'kin, eh 'di huwag. Hindi naman kita pipilitin. But please don't stop me from trying, Denver. Hirap na hirap na ako na wala ka."

I bit my lip to stop myself from crying. Pakiramdam ko ay sobrang baba ko na. Liit na liit na ako sa sarili ko at sa pagiging desperada ko, pero bawat araw na wala siya sa akin ay parang binibiyak ang puso ko sa sobrang sakit.

Sa tuwing naiisip ko siya kasama si Nami ay gusto ko na lang maglupasay sa sahig. Matatawag ba akong mang-aagaw kung kukuhanin ko lang pabalik ang isang bagay na sa akin naman talaga?

"Mads, I'm already in a relationship—"

"Alam ko! Kaya nga I'm trying to win you—"

"A good relationship," he emphasized, looking at me with an expression close to pity.

"Wow." Pinilit kong tumawa pero nagtunog lang akong naghihingalo. "Good? So, ano 'yong sa atin? Bad?"

"Wala akong sinasabing ganiyan."

Pakiramdam ko ay hindi ko na siya kilala. Higit dalawang taon kaming magkarelasyon pero pakiramdam ko ay hindi ko na alam kung sino siya. "Sobra ka na." Nanginginig na ang boses ko sa sobrang emosyon. "Tinanggap ko 'yong sinabi mo na selfish ako at sarili lang ang iniisip. Pero s-sobra ka na."

"Listen, I'm sorry for saying all those stuff. I just... exploded... I shouldn't have—"

"Hindi ka ba naging masaya sa 'kin? Puro sama ng loob lang ba talaga ang nadulot ko sa 'yo sa loob ng dalawang taon? Bakit kung makapagsalita ka parang sobrang basura ng naging relasyon natin?"

Tumikhim siya at binasa ang ibabang labi. "Mads, you don't—"

"Do you not love me anymore?"

He was caught off guard. His mouth parted open as he avoided my gaze and even moved an inch away from me as if he wasn't sitting far enough.

Made for Madeline (Dawson University Series #4)Where stories live. Discover now