33: Enchanted

4K 89 98
                                    

M A D E L I N E

"We'll just meet Belle and her group there," paliwanag ni Darwin pagkasakay namin sa bus na nirentahan nila para mismo sa araw na ito.

Puno ng mga bata ang bus at lahat sila ay abot-tenga ang mga ngiti nang makita si Darwin. Ngayon na lang ulit ako na-excite nang ganito. Para talaga kaming pupunta sa field trip!

"Kuya!"
"Kuya!"
"Kuya!"

Lahat sila ay Kuya ang tawag sa kaniya. Hindi Sir, Boss, o kung ano pa man.

Kuya.

Na para bang isa silang malaking pamilya at si Darwin ang nakatatanda nilang kapatid.

Sa unahan nakaupo si Christian at nakakatuwang makita na mayroon na siyang mga kaibigan na kapwa niya scholar. Binati niya kami pagkakita niya sa amin at kitang-kita ko sa mga mata niya ang labis na pasasalamat at kagalakan.

"Kuya, saan tayo uupo?" nang-aasar na tanong ko kay Darwin nang bumalik na si Christian sa pakikipagkuwentuhan sa mga katabi niya.

Akala ko ay mapipikon siya o kaya ay susuwayin ako pero ngumiti lang siya sa akin nang nakakaasar at sumagot, "Sa dulo, baby."

Parang nagwala ang tiyan ko. Alam kong hindi kami talo pero ang hot niyang mag-pronounce ng baby.

"Paulit nga?" nakaismid na pakiusap ko.

Doon na siya umiling at natatawang nilagpasan ako. "Sa dulo tayo, bata."

Bata, amp.

"Excuse me. 22 na ako, 'no!" reklamo ko habang nakasunod sa kaniya na naglalakad sa gitna ng bus.

Tawa lang nang tawa si Darwin na parang lelang. "Ikaw unang nang-asar, ikaw unang napikon."

"Hindi ako pikon. 22 na naman talaga ako."

"Bata nga."

"22, bata?"

"For me, yes."

"For you?"

Huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin. "Bata."

Napairap na lang ako. Halos walong taon lang naman ang tanda niya sa akin. Kung maka-bata naman siya sa akin, akala mo senior citizen na siya at menor-de-edad ako.

Tama nga siya. Ako 'yong unang nang-asar, tapos ako rin 'yong unang napikon.

Umupo kami sa dulo ng bus katabi ang tatlong iba pang volunteers ng Foundation. Pare-pareho sila ng suot na puting t-shirt na may logo ng Romero Group of Companies sa harapan, samantalang ako ay nakapanggala lang — black crop top, high-waisted statement jeans, my favorite white sneakers, and a small black backpack from D.

Come to think of it... kay Denver din pala galing 'yong sneakers, at pati na rin 'yong crop top ko. Even my phone is from him. Pati na rin ang gamit ko na phone case.

Gaano karami kaya sa mga gamit ko ang galing sa kaniya?

"Why didn't you give me one of those shirts?" tanong ko kay Darwin habang nakanguso sa uniporme no'ng mga volunteer. "Para naman akong outsider sa suot ko."

Made for Madeline (Dawson University Series #4)Where stories live. Discover now