M A D E L I N E
"Kahit kailan talaga... ang duwag mo."
Denver froze as soon as he heard the words that came out of my mouth.
Hindi naman puwedeng siya lang ang nagsasabi ng saloobin niya, 'di ba?
Dalawa kaming nag-uusap dito. Dapat ako rin.
"Ang duwag mo. Ang duwag duwag duwag mo," paulit-ulit na bulong ko.
Akala ko ay tapos na kami rito.
Tatlong taon na, eh.
Mas mahaba pa nga iyon kaysa sa itinakbo ng relasyon naming dalawa.
Bakit nandito na naman kami?
Maingat niyang ikinandado ang pinto at saka tahimik na naglakad pabalik sa kama kung saan niya inilapag si Julia.
Narinig ko siyang umupo sa likuran ko at huminga nang malalim.
"Siguro nga," bulong niya. "Duwag ako noon."
Sa sobrang hina ng boses niya ay halos hindi ko siya marinig sa gitna ng malakas na pagbuhos ng ulan.
"Pinakawalan kita. Natakot ako sa maraming bagay. Natakot ako sa pagmamahal na mayro'n ako para sa iyo. Pero hindi na ngayon, Mads."
Lumingon ako sa kaniya at nakitang kuyom ang mga panga niya habang nakatingin sa akin.
"Iiwan ko lahat. Para sa iyo."
Lahat?
"Mads... we can leave. You and me. We can leave all these behind. We don't need anything. We don't need anyone—"
"Denver, ginawa ko na 'yan, eh." Umiling kong pinunasan ang mukha ko. "I already left. I'm already healed. I'm ready to start over again, but not like this—"
"Then tell me what you want me to do. Sabihin mo lang, gagawin ko."
Umiling ako.
"Sabihin mo lang, Mads..." Lumapit siya sa akin at saka lumuhod sa harapan ko para hawakan ang mga kamay ko. "Sabihin mo lang... ilalaban kita."
Umiling ako.
Ayos na ako, eh.
Mahirap... pero inayos ko ang sarili ko nang mag-isa at walang tulong ng iba. Kaya hindi ko alam kung bakit ngayon ay nasasaktan pa rin ako.
"Denver, bakit kailangang sa akin manggaling?" tanong ko.
Tumingala siya sa akin na nangingilid ang luha sa mga mata.
"I shouldn't have to tell you anything. I shouldn't have to tell you to fight for me. I shouldn't have to tell you how to love me. Denver, if you really wanted to, kusa mo na dapat ginawa iyon." Binitawan ko ang mga kamay niya. "And not because I told you to."
"Akala ko ba handa ka nang pakasalan si Nami? Naghihintay ka na lang ng tamang tiyempo, 'di ba?" tanong ko sa kaniya. "So, bakit nagkakaganito ka na naman, Denver? Bakit ganito na naman?"
