26: Cold Baguio Nights

4.2K 77 55
                                    

N A M I

It was Saturday when we drove to Baguio with our friends. Sasha, Jolo, and Nica were all riding with us, habang nasa kani-kanilang mga kotse naman ang iba pa nilang mga kaibigan.

No one knows that Denver and I have broken up already. We both decided to keep it to ourselves for now because we want to settle our issues privately and not involve anyone else in our business. Patuloy pa rin kami sa paggamit ng tawagan na boo, kahit na sa tuwing kami lang dalawa ang magkasama ay bumalik na kami sa pagtawag sa isa't-isa na Denver at Nami.

The place they rented was huge, even for all of us. It has five bedrooms, all with beautiful views of the Baguio scenery that I terribly missed during my stay in Manila.

"I told your mom we'll be there for lunch tomorrow," Denver whispered while he helped me with my bags.

"You... w-what?"

"I... told your mom... we'll have lunch with them tomorrow," he repeated, his forehead creased as he struggled to carry all our bags down the stairs. We'll only be here for two nights so I don't understand why he brought so much stuff as if we're permanently relocating.

"How do you know my mom?" I asked. Hindi ko pa naman kasi siya napapakilala.

"Facebook?" he answered.

Laging nagkokomento si Mama sa bawat post ko sa FB. Minsan nga, nag-share lang ako ng post mula sa GMA News tungkol sa isang car accident malapit sa Neon Nights, nagkomento na siya nang pagkahaba-haba tungkol sa drunk driving.

Hindi malabong nahanap nga siya ni Denver sa Facebook ko.

Hindi na ako kumontra dahil miss na miss ko na sila Mama at plano ko rin talaga silang bisitahin ngayon lalo na at malapit lang naman sa bahay namin itong lugar na tutuluyan namin. Isa pa, si Denver na rin mismo ang nagsabi na haharapin niya ang mga magulang ko at liligawan ako sa maayos na paraan.

Sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pang gawin 'yon. Alam naman namin pareho na nakuha na niya ang puso ko kaya hindi na niya kailangang umakyat ulit ng ligaw. All he needs to do is get over his ex, who, guess what, is with us on this trip!

Kung may puwede lang akong gawin para makalimutan niya si Mads — ginawa ko na. But Denver has really good memory. He literally remembers every little thing.

So, how can I make him forget someone he's been with for the past two years? Do I have to resort to some kind of black magic just to help him completely get over her?

Everything was going okay, so far. Ayos na sana dahil kasama ko sina Sasha at Nica sa basement na kwarto, pero pati pala si Mads ay kasama rin namin. Si Denver naman ay sa itaas na palapag mananatili kasama sina Jolo, Brent, at ang nakababatang kapatid nito na si Blue.

Matapos maglapag ng mga gamit ay umakyat muna kaming lahat sa kusina para kumain ng merienda. Nagluto ng ginataang bilo-bilo 'yong caretaker ng rest house na si Ate Tess at habang kumakain ay nakita kong naglalagay ng asul na nail polish si Pat sa kamay niya.

"Gusto mo, ako maglagay?" alok ko. Para kasi siyang nahihirapan.

"Oh, my gosh. Thanks, Nami!" Ngiti niya sa akin. "My hands are shaking, eh."

"Huwag kasing araw-arawin!" ani Mads na nakaupo sa tabi nito. "Nanginginig ka na, girl."

"Gaga." Tawa ni Pat. "Palibhasa one week ka nang nganga!"

"Hay, sinabi mo pa." Buntonghininga ni Mads. "Nakaka-miss 'yong mga panahon na twice a day, everyday."

Napansin ko na nanigas si Pat habang nilalagyan ko ng cutics ang kuko niya. "Shhh." Suway niya sa kaibigan.

Made for Madeline (Dawson University Series #4)Where stories live. Discover now