38: The Cheat Sheets

4.2K 106 100
                                        

M A D E L I N E

Sabay na nagtilian sina Pat at Ganj nang ikuwento ko sa kanila ang tungkol sa panliligaw sa akin ni Darwin. Alam nila ang ginagawang paghatid-sundo sa akin ni Darwin sa Dawson — yes, nag-evolve na po siya. Hindi lang sundo, hatid na rin — pero ngayon ko lang inamin sa kanila na nililigawan na nga niya ako.

Gusto ko lang sigurong sulitin 'yong mga nakaraang araw na kaming dalawa lang ang nakakaalam ng nangyayari sa amin.

"Sabi na, eh! Sabi na!" ani Pat. "Nakakutob na ako no'ng hinatid ka na rin, eh. Sa Eastwood siya nagtatrabaho tapos dumadayo pa siya ng Greenhills para lang ihatid at sunduin ka? Sabi ko na talaga, eh!"

"Haha. Bakit parang galit ka, mamsh?" tanong ni Ganj.

"Hindi naman. Pero... hindi ba siya masyadong matanda para sa iyo? Ilang taon na ba siya?" tanong ni Pat sa akin.

"29."

"29 siya. 22 ka. Parang masyado naman siyang matanda?"

"Hindi naman. Advantage pa nga sa akin na mas matanda siya nang ilang taon dahil mature na siya mag-isip at responsable," mabilis na paliwanag ko. "Iyon bang sigurado akong seryoso talaga siya sa akin at hindi naglalaro lang."

"Mabait ba siya? Matalino? Faithful?"

"Oo. Oo. Tingin ko naman, oo."

"Mapagkumbaba? Magalang? Marunong makisama?"

"Oo. Oo. Hmm... minsan."

"What's his religion? His political views? Is he pro-life or pro-choice? Mads, you have to know these things before you entertain him. Dapat hindi mo muna siya hinayaang manligaw."

"Hmmm. Hindi naman 'yon—"

"Para kasing hinayaan mo lang na ligawan ka niya dahil alam mong mayayamot si D kapag nalaman niya."

Hindi ko inasahan ang narinig ko mula kay Pat.

Pero mas hindi ko inasahan ang sagot na lumabas sa bibig ko.

"Alam mo ba lahat 'yon tungkol kay Axl no'ng hinayaan mo siyang manligaw?" marahas na tanong ko. "Ay, sorry. Hindi ka nga pala niligawan."

"Oy!" ani Ganja, na siniko pa ako. "Foul..." bulong niya.

Natameme lang si Pat at binato ako nang matalim na tingin bago tumalikod at saka umalis, kahit na sabi niya kanina ay haharapin niya si Darwin pagdating nito para raw kilatisin.

"Sorry, Mads," ani Ganj. "I'll just... text you later!" mabilis na paalam niya bago dali-daling sumunod kay Pat at iniwan ako.

Nakakainis!

Pinakialaman ko ba sila sa mga desisyon nila noon? No'ng nakipagbalikan si Pat kay Axl at no'ng nagpakamartir si Ganja kay Brent. May narinig ba sila sa akin?

Wala naman, 'di ba?

Sinesermunan ko sila, oo. Ang tanga ng galawan nila minsan, eh! Pero hinusgahan ko ba sila?

Bakit hindi na lang nila ako suportahan ngayon?

Bakit pakiramdam ko ayaw nilang maging masaya ako?

Made for Madeline (Dawson University Series #4)Where stories live. Discover now