3: Fixing A Broken Heart

8.4K 123 13
                                    

N A M I

"P-Patingin ng ID mo!" natatakot na utos ko sa lalaking katabi ko. Sabi niya ay siya si Denver pero ilang minuto na kaming magkasama rito sa loob ng kotse niya ay hindi pa siya umaalis. Nag-text sa akin si Kara, at sabi raw ni Denver ay hindi pa rin niya ako nakikita. Pero ito iyong plate number na binigay nila! Siniguro kong tama iyon bago ako lumapit at nakipag-usap dahil alam kong uso ang mga kidnapper dito sa Maynila.

Napailing iyong lalaki at saka mabilis na kinuha ang wallet niya mula sa compartment ng kotse. Kinuha niya ang lisensya niya, pati na rin ang school ID niya at saka iyon ipinakita sa akin.

NAME: Patrick Denver S. Romero
BIRTHDAY: October 08, 1998
ADDRESS: Unit 12-06, Rockwell Terraces, Sampaloc, Manila

"Okay na?" tanong niya, habang ang mga mata ko ay nakatutok pa rin sa mga ID na binigay niya. Sa Dawson University rin siya nag-aaral, kung saan nag-aaral si Kara at iyong iba naming mga ka-banda. Siguro ay siya nga talaga 'to.

Kung hindi ko pa nakita ang mga picture niya na nando'n sa mga ID niya, hindi ko pa mapapansin na may itsura siya. Hindi ko alam kung may nakapagsabi na ba sa kaniya, pero para siyang pinabata na version ni Jericho Rosales.

Tumango na lang ako at saka binalik sa kaniya iyong mga ID niya bago muling nilabas ang cellphone ko upang kumpirmahin kay Kara na magkasama na kami.

"Sorry for the confusion," bulong niya sa tabi ko. "I thought you were someone else."

"You thought I was someone else but you still let me in your car?" nalilitong tanong ko.

"Oo," maiksing sagot niya sabay kamot sa dulo ng ilong niya na tila ba nahihiya.

"Who did you think I was?"

Tumingin siya sa akin at malungkot na tumitig sa mga mata ko bago madaling umiwas ng tingin at umiling. "Wala," seryosong sagot niya. "Tara na."

Nakuwento sa akin ni Kara na medyo nagdududa pa raw si Denver kung kaya ko bang palitan iyong original nilang vocalist. Siguro iyon ang dahilan kung bakit ganito ang reaksyon niya ngayon.

"Uhm. You're the lead guitarist, right?" I asked, trying to break the silence. This is the first time we met but Kara already told me a lot about him. She told me that he's kind, talented, and according to her - outrageously smart. Although she forgot to mention one thing, and that is the fact that he is ridiculously good-looking, too.

"Oo," sagot niya.

He played a bit of music while he was driving. I don't know if he's always this shy and quiet, but we are still basically strangers so I just decided to shut my mouth, too. We just listened to his playlist while stuck in traffic, until we finally arrived at the bar after an hour.

He grabbed his guitar from the back of the car, and together, we walked up to the brawny guy who was standing outside the club.

"Kami iyong banda," paliwanag ni Denver do'n sa lalaki.

Hindi nagsalita iyong bouncer pero pinagbuksan niya rin naman kami ng pinto at saka pinapasok sa loob.

"Chongks! Denver!" sigaw ni Kara nang makita kami. Nakatayo na siya sa itaas ng stage kasama ang dalawa pang lalaki na malamang ay ang iba pa naming mga kabanda na sina Von at Dreb.

Tumakbo ako palapit kay Kara at agad siyang niyakap nang mahigpit. "Wahhh! Na-miss kita!"

Mula nang nag-aral siya ng kolehiyo rito sa Maynila ay hindi na siya bumalik ng Baguio maski para magbakasyon. Mula elementarya ay magkaibigan na kaming dalawa kaya sobra ko talaga siyang na-miss no'ng mga taon na wala siya.

Made for Madeline (Dawson University Series #4)Where stories live. Discover now