M A D E L I N E
WARNING: Mature scenes ahead. Reader discretion is advised. This chapter contains strong language, violence, abuse, self-harm, or highly explicit and excessive sexual activity that may be potentially offensive or disturbing to some readers. You have been warned!
"Alam mo anong pangarap ko?" tanong ni Denver.
"Ano?"
"Lumayo."
"Lumayo."
"Oo," sagot niya habang tinutugtog ang hawak na gitara. "Ikaw lang at ako. Tapos bibili tayo ng kubo malapit sa beach. Sa umaga, gigising tayo sa huni ng mga ibon. Sa gabi naman, mamahalin kita kasabay ng tunog ng alon."
"Haha. Corny." Tawa ko habang nakatutok ang mga mata sa pinapanood sa TV. "Huwag ka nga maggitara, nanonood ako. Ang ingay."
Ngumiti lang si Denver sa akin at saka tahimik na niligpit ang gitara niya bago sandaling pumasok sa kwarto. Pagkalabas niya ay may hawak na siyang maliit na itim na box na nang kunin ko at buksan ay may lamang kuwintas na may pendant na gitara.
"Happy monthsary, Mhie..."
"Bakit gitara? Ikaw naman ang naggigitara, hindi ako." Binalik ko 'yong kuwintas sa box at saka muling inabot 'yon sa kaniya. "Papalitan mo ng pendant. Heart na lang o 'di kaya lips. Ayaw ko niyan."
Kinuha niya 'yon sa akin at saka inilagay sa bulsa niya. "Sige, papapalitan ko bukas."
"Mamshie, sila na raw. Sinagot na raw ni Nami si Denver sabi ni Axl," kuwento ni Pat.
Nagising ako mula sa malalim na iniisip. Ilang beses ko bang pinaramdam kay Denver noon na hindi ko susuportahan ang pagtugtog niya? Sa totoo lang ay hindi ko alam.
"Oo nga, sabi rin ni Brent," ani Ganja. "Iinom raw sila mamaya. Boys Night Out."
"Ang tagal nga nilang magkaka-VC kagabi. Dinaig pa tayo."
"Hahahaha. True. Ang ingay pa! Sa sala ko nga pinatulog si Brent."
"Hahaha! Grabe! Si Axl hindi makatulog kapag hindi ako katabi. Kailangan laging nakasiksik sa akin."
Nagsimula na silang magkuwentuhan na dalawa tungkol sa kani-kanilang mga boyfriend. Dati naman ay wala akong pakialam dahil nakakasali ako sa usapan. Pero ngayon ay hindi na.
Hindi ako bitter. Masaya ako na masaya sila. Pero nalulungkot lang ako para sa sarili ko dahil kasingsaya rin naman nila ako noon pero sinayang ko.
"How do you touch yourself?"
"H-Ha?"
"Show me what you do when you touch yourself."
"Baliw ka na ba? Hindi ko—"
"Oh, come on, Mhie. Of course, you do."
"Hindi nga sabi—"
"How will I know how to please if you won't show me how you like it done?"
