65: Like Ivy To A Tree

6K 90 49
                                    

M A D E L I N E

Pagbaba ko ng kotse ay naghihintay na sa akin si Denver sa labas.

Nagpasalamat siya kay Darwin at sandali pa silang nag-usap bago siya humarap sa akin at nahihiyang ngumiti.

"Hello," bulong niya.

Nagmaneho na palayo ang kapatid niya, kaya bukod sa aming dalawa ay wala nang iba pang tao sa paligid.

"Kumusta ka?" tanong ko.

Mukhang wala pa siyang tulog at gulo-gulo rin ang kulot niyang buhok. Kumpara kay Darwin na mukhang maaliwalas, si Denver naman ay mukhang hapong-hapo.

Matipid lang siyang ngumiti bago lumapit sa akin upang yakapin ako. Ramdam na ramdam ko ang malalim na pagbuntonghininga niya. Iyon bang parang sobra siyang pagod, pero ngayon ay nakapagpahinga na.

"Ayos na," bulong niya habang nakayakap pa rin sa akin.

Niyakap ko siya pabalik, at gaya niya ay parang isang libong tinik ang nabunot sa dibdib ko.

Like him... I, too, breathed a sigh of relief.

It feels like I traveled the world for so many years; visiting so many places and hopping from one country to another... but now I am finally home.

Sure... the Eiffel Tower is pretty.

Gorgeous, even.

So is Mount Fuji. And the Leaning Tower of Pisa.

But nothing beats home.

And not in a million years could something ever beat the elation I am feeling now.

I don't know how long we lasted in each other's arms. An hour, perhaps? Denver only pulled away from me when a cold breeze passed us both.

"Oras na para umuwi." Ngiti niya. Sa sobrang lakas kasi ng hangin ay nililipad no'n ang mga buhok naming dalawa.

Hinawakan niya ang kamay ko at saka kami magkasabay na naglakad papasok sa loob ng bahay.

Nakakapanibago.

Nahawakan ko na naman ang kamay niya noon. Sobrang daming beses pa nga. Pero ngayong magkadikit na muli ang mga daliri namin at mahigpit ang kapit niya sa akin... pakiramdam ko ay tila ito ang una, base na rin sa bilis ng tibok ng puso ko.

Sakto lang ang laki ng bahay na pinasukan namin at hindi gaanong magarbo. Puno na rin iyon ng kagamitan sa loob, sakto lang para sa aming dalawa.

"Mhie."

Nanaas ang balahibo ko sa braso nang marinig na iyon ang itawag niya sa akin.

Ewan ko ba. Sa tuwing binabanggit niya iyon noon ay sadyang nanlalambot talaga ang buong pagkatao ko.

Humarap ako sa kaniya at nakita siyang nakatayo sa gilid ng kusina.

"Puwedeng payakap ulit?" mahina niyang tanong.

Natawa na lang ako sa inasta niya dahil sa totoo lang ay hindi na naman niya kailangang magpaalam para yakapin ako.

Made for Madeline (Dawson University Series #4)Where stories live. Discover now