M A D E L I N E
"My mom's visiting. I want you to meet her."
I suppressed a smile.
Fuck him so good, he'll introduce you to his mom. That is my motto in every relationship and what I always used to tell Pat and Ganj.
"When?"
"Next week. She will only be here for two days, so I asked her to have dinner with us."
"Gago, kinakabahan ako."
He laughed, pinching my nose. "Gaga, huwag."
For a week, all Denver did was talk about her. Her mom is a neurosurgeon based in Australia and she only visits once or twice a year so D rarely gets to be with her.
"Alam mo ba, siya ang nagpaaral sa sarili niya?" pagmamalaki niya. "Hindi siya kaagad nakapag-practice dahil nagsama na sila ng tatay ko. She was a few years late but look at her now! She's the best."
Malaki ang respeto at paghanga niya sa nanay niya, kaya gano'n na lang ang pagkadismaya niya no'ng hindi ito sumipot sa dinner reservation na plinano niya para sa aming tatlo.
"Alas-dyis na," mahinang bulong niya. "Hindi na 'yon pupunta. Tara na."
"Baka naman na-late lang? Maghintay pa tayo nang kaunti," sagot ko. "Wala namang wait list, eh. Hindi naman tayo papaalisin dito."
Umismid siya. "Late? For two and a half hours?" may bahid ng pagkainis na tanong niya. "She could have at least informed me. Tinatawagan ko siya, hindi rin sumasagot."
Palabas na kami ng restaurant nang makasalubong namin ang kapatid niyang si Darwin na may kasamang isang babae na hindi ko gaanong naaninag ang mukha.
"Of course!" sarkastikong bati ni Denver sa kanila. "Of course," ulit niya pa bago hinawakan ang braso ko at marahas akong hinila palayo, papunta sa parking lot.
"Patrick!" sigaw ng babae habang si Darwin naman ay tahimik lang at nakakuyom ang panga.
Hanggang sa makasakay kami sa kotse ay nakakunot pa rin ang noo ni Denver at hindi ako kinakausap.
"Dhie, ano 'yon?" alalang tanong ko makalipas ang ilang minuto at malayo na ang narating namin mula sa restaurant.
Kanina pa walang tigil sa pag-ring ang cellphone niya, pero hindi niya 'yon sinasagot.
Hindi ko maintindihan kung bakit sobrang sama ng timpla niya. Akala ko ay magiging masaya kami ngayong gabi, pero kabaliktaran ang nangyari.
"Did you know that when I graduated high school, it was our old helper who put on my medal?" mahinang bulong ni Denver makalipas ang halos sampung minutong pagmamaneho.
"H-Ha?"
"I was... the Valedictorian," aniya habang ang mga mata ay nakatutok sa harapan ng sasakyan. "I was always top of my class. No one beat me since Kindergarten, I made sure of that. But it was always Manang Esmi who attended every graduation." Umiling siya. "Even my communion and confirmation."
"Dhie..."
"But guess what? Kapag si Darwin ang may parangal, parati siyang nando'n. Walang mintis. Kahit may shift siya sa ospital ay nagli-leave pa siya noon, makapunta lang sa tuwing kailangan siya ni Darwin."
Wala akong masagot. Bihira kaming mag-usap ni Denver tungkol sa pamilya niya. Alam kong may mga issue siya sa side ng tatay niya, pero wala akong ideya na may tampo rin pala siya kay Tita Claire.
