7: Always Be My Boo

5.9K 94 20
                                        

N A M I

Denver has a lot of friends. I met a few of them already — Jolo, Sasha, Monica, Axl, and Brent — and they were all really friendly and welcoming, just like him. However, I sometimes notice that they are stealing weird glances at me.  It was a few minutes before 8 p.m. when I caught Axl and Brent staring at me while I was setting up onstage. It was no big deal at first, but I'm honestly starting to get uncomfortable especially because they are huddled together and seem to be whispering under their breaths.

"Bakit ba tingin sila nang tingin sa 'kin? May dumi ba 'ko sa mukha?" tanong ko kay Denver na kinokonekta na iyong gitara niya sa amplifier.

"Iyong dalawa?" tanong niya. Kahit hindi ko sabihin ay alam na niya kaagad kung sinong tinutukoy ko.

"Oo," sagot ko. "Sina Jolo at Sasha din, gano'n noon. Pati si Monica."

Binasa niya ang labi niya at saka nagkibit-balikat. "Ewan," mahinang tugon niya habang nakatutok ang parehong mata sa hawak na gitara. "Baka nagagandahan sa 'yo."

Nagagandahan? Eh, kung maging babae iyong dalawang iyon, tiyak na mas chix pa sila sa akin!

"Hahaha. Oo nga. Ang ganda ko, eh." Sarkastikong tawa ko.

Bahagyang umangat ang ulo ni Denver at saka kunot ang noong tumingin sa akin. "Oo nga," bulong niya.

"Maganda 'ko?" pang-aasar ko sa kaniya.

"Iyong totoo?" tanong niya.

Tumango naman ako, hindi alam kung anong aasahang sagot mula sa kaniya.

Mahina lang siyang tumawa at saka umiling. "Masakit kang tingnan," sagot niya sabay strum sa gitara niya.

"Grabe!" singhal ko. "Masakit akong tingnan? Masakit ako sa mata?"

"Masakit kang tingnan," ulit niya. Umiwas siya ng tingin sa akin at saka muling bumulong, "Literal."

Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin do'n kaya pinalagpas ko na lang iyon lalo pa at lumapit na sa akin si Jolo para iabot ang request niya ngayong gabi. Wala siyang palya sa pagpunta sa bar at madalas nga ay nakikita kong gumagawa siya ng mga school work niya sa mezzanine. Kahit sobrang dami niyang kailangang tapusin ay nagagawa niya pa ring pumunta rito para suportahan kami at pati na rin si Sasha. Hindi ko tuloy maiwasan na gumaan ang loob sa kaniya.

Sabado ng gabi ang napagkasunduan naming oras ng rehearsal. Regular daw talaga ang rehearsal ng Hiraya noong hindi pa ako ang bokalista nila. Pansamantala lang silang nagpahinga nitong mga nakaraang linggo dahil naninibago pa sila sa mga schedule nila. Lahat kasi sila ay graduating students na sa Dawson University at sobrang busy.

"See you, tonight at 6! My place," paalala ni Kara nang maghiwa-hiwalay na kami sa parking pagkatapos ng huli naming gig para sa linggong 'to. "D, ikaw na bahala kay Nami, ah!"

Tumango lang si Denver sa kaniya at saka nagpaalam na rin.

Pansin ko na lahat ng mga kaibigan niya at pati na rin ang mga kabanda namin ay D ang tawag sa kaniya. Siguro ay iyon ang palayaw niya dahil iyon ang unang titik ng pangalan niya.

"Saan tayo kakain, D?" tanong ko sa kaniya nang makaalis na kami sa parking. Wala kasi kaming palyang dalawa sa nakagawian namin na paglamon tuwing pagkatapos ng gig.

Made for Madeline (Dawson University Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon