24: Caught in the Arms of Another

4.2K 87 55
                                    

M A D E L I N E

"Cheese or barbecue?"

"Ah, eh... cheese po," ani Christian. "Ay, barbecue na lang pala."

"Haha." Tumawa si Darwin at saka humarap sa babae na nagtitinda ng popcorn. "A bucket of each, please."

Abot-tenga ang ngiti ni Christian nang iabot sa kaniya ni Darwin ang dalawang bucket ng popcorn — isang cheese, at isang barbecue.

"Ikaw, anong gusto mo?" tanong ni Darwin sa akin. "Nachos? Hotdogs? Shawarma? Fries?"

Kagagaling ko lang sa school nang dumiretso ako rito sa mall para makipagkita sa kanila. Nainggit kasi ako na gumagala silang dalawa nang hindi ako kasama.

"Ikaw," biro ko.

"Sige, mamaya."

"Joke lang. Kadiri ka."

Tumawa lang siya at tumalikod sa akin habang nakaakbay kay Christian. "Akala mo naman talaga, papatulan kita."

"Huh!" Napairap na lang ako sa sinagot niya. "Parang dehado ka pa, ah!"

Hindi siya sumagot at magkasabay lang silang naglakad ni Christian papasok sa sinehan.

"Feelingerong 'to. Baka nga hindi ka pa nagkaka-girlfriend diyan," pang-aasar ko. "Wala ka pang first kiss, 'no? Virgin ka pa?"

Humarap siya sa akin na nakataas ang isang kilay at nakangisi. "Why are you asking?"

Oo nga naman. Bakit ba ako nagtatanong?

"Bakit, bawal ba?" sagot ko. "Akala ko, friends na tayo."

"Your friendship request is still pending approval," masungit na sagot niya. "Besides, friends don't ask friends if they're virgins."

"Luh? Ang KJ naman. Ano bang klaseng mga kaibigan mayro'n ka?" tanong ko.

"Decent ones who know how to respect boundaries."

"Excuse me! Respectful kami ng mga kaibigan ko, 'no—"

"Shhh." Suway niya. "May respectful bang sumisigaw sa loob ng sinehan?"

Nagtinginan sa amin ang ilang mga tao na nakaupo sa unahan namin. Inirapan ko na lang sila at hindi na nagsalita pa. Mahirap na, baka masabihan na naman akong disrespectful.

"Pukinangina mong hayop ka!"

Hindi ako na-inform na horror pala 'tong papanoorin namin.

Nagtawanan ang mga tao sa harap namin, at gano'n din sina Christian at Darwin na nakaupo sa kaliwa ko.

"Matatakutin ka, Ate." Tawa ni Christian na naninilaw na ang ngipin sa kakangata ng popcorn.

Hindi ako nagsalita at pumikit na lang habang tinatakpan ang magkabilang tenga ko. Malamig naman sa sinehan pero pinagpapawisan ako ng malagkit.

"Palit kayo." Narinig kong bulong ni Darwin. "Siya na lang sa gitna. Kapag naihi 'yan, baka tayo pa ang maglampaso."

"Hahahaha. Sige po, Kuya."

Made for Madeline (Dawson University Series #4)Where stories live. Discover now