2

1.5K 79 0
                                    

FRANCES POV


Nag lalakad kami ngayon ni Coco sa dito sa Mall. Dahil nag ka ayaan kami na lumabas labas. Mag ka roommate lang kasi kami kaya, madali lang wala ng Set up Set up.



Nandito kami sa Penshope at nakapili na si Coco nang iilan lang at sakin din, kasi biglaang pag alis lang 'to.



Tapos na din naman kaming kumain kanina, kaya parang gusto ko nang umuwi. Nakabayad na kami sa cashier at palabas na kami ng Penshope.



"Frances, tara na ba uuwi naba tayo?"  Tanong sakin ni Coco habang inaayos yung mga pinamili niya.



Halos kanina naman din kaming nandito. Anong oras naba? Napatingin naman ako sa relo ko 11:05 pm na pala, at 9pm kaming pumunta dito.



"Sige, tara na uwi na tayo" Sagot ko kay Coco, at ngayon nasa escelator na kami at pababa na sa exit ng Mall.



Palabas na kami at nakatawid na din. Nasa kabilang building lang kasi ang condo namin, konting lakad lang nandoon na kami.



Wait parang may wala sa bulsa ko, kinapa ko ito at napahinto ako sa pag lalakad. Napansin kong wala ang wallet ko dito sa bulsa. Nandoon yung credit card ko sa wallet. Okay nang mawala ang wallet, wag lang ang credit card.



"Coco nawala yung wallet ko sa bulsa ko!" Sabi ko kay Coco. Napahinto siya sa paglalakad niya. "Ha!?" Sigaw niya at parang natataranta.



"Diyan kalang Coco babalik ako" Sabi ko. Pabalik nako sa Mall at nakasunod lang siya sakin. Ang bilis kong maglakad kaya parang tumatakbo siya.



Nandito na kami sa Pedestrian lane pero sabi ko kay Coco na dito nalang siya, at hintayin niya ko dito.



Nakatawid naman ako. May babaeng lumapit sakin at hawak ang wallet ko. She's wearing a brown Pants at naka Polo na brown din, at black na Shoes



"Nakita ko tong wallet mo nalaglag. Nakatawid kana kasi kaya hinintay nalang kita dito, kung babalik ka" Sabi niya kaya hindi ko naman maiwasang mahiya. Nag thank you na din ako agad dahil nag hintay pa siya.



Aalis na sana ako ng bigla syang magsalita.



"I'm kielle" Pag papakilala niya at ngumiti. Inilahad niya ang kamay niya sa tapat ko, agad ko naman itong tinanggap.



"Frances, thank you ulit" Ngumiti din ako at humiwalay na.



Ang lambot ng kamay niya at masasabi  kong maganda siya, pero mukang mas matanda siya sakin ng mga ilang taon.



Pabalik nako kay Coco na nag hihintay. Tumawid ako at hindi ko napansing may paparating palang sasakyan, at muntik nakong masagasaan.



Buti nalang naka preno agad siya. Binaba naman niya agad ang salamin ng kotse niya.



"DAHAN DAHAN SA PAGTAWID MISS HA!" Sigaw nito. Babae pala, ang ganda ng sasakyan niya. Mapagmumukaan mong anak mayaman siya.



Yumuko ako at nag sisimbolo ito ng pag papasensya. Agad na itinaas niya ang salamin ng kotse niya at umandar, sinundan lang namin ito ng tingin ni Coco.



"Sungit naman non, kala mo kung sino"  Bulong ni Coco, at ako lang ang nakakarinig.



"Hayaan mo na, ako din yung may mali"  Sabi ko kay Coco at natawa, pero pabulong din.



Nakita ko naman si Kielle na nasa kabilang Pedestrian. Nakatingin siya sakin na parang nag aalala. Ningitian ko lang ito at umiwas siya ng tingin.



Pabalik na kami ni Coco sa condo namin, at nandito na kami sa tapat ng pinto. Binuksan na ni Coco ang pinto at pumasok na kami.



COLEEN'S POV


Nakakainis naman yung nangyari kanina. Ang yabang kala mo naman kung sino, sabi ko sa isip ko. Habang sinususian itong pinto.



Kung natuloy lang talaga niya yung pag mamaneho niya. Siya ang mag papa ospital kay Frances. Pero etong si Frances din kasi, hindi tumitingin talagang kukunin ito ng maaga ni Rold.



Nakapasok na kami sa kwarto namin. Nauna nang naligo si Frances, at sunod naman ako.



Nakalabas na si frances ng bathroom. Ako naman ang sunod 30 minutes akong naligo, dahil pagod ako sa araw na ito, at may pasok pa kami bukas.



Inayos ko lang ang mga gamit ko dito na parang binagyo. Pagkatapos tsaka nako nahiga, it's already 12:30 am. Naalala ko naman yung handkerchief ko kay Amanda kaya, minessage ko ito.



Me: Amanda yung handkerchief ko ha, wag mo kakalimutan mwhehw goodnight <33



Sinend ko na ito, agad naman nyang naseen. Mukang gising pa siya.



Amy: Oo sige Coco hindi to mawawala bhie hahahaha! goodnight.



Reply niya, kaya hineart react ko ito at hindi na nag reply. Pinatay ko na ang phone ko at natulog.

COULD BE US (frandeesal)Where stories live. Discover now