13

1.2K 81 8
                                    

JAYDEE'S POV


Kanina pa ako dito sa dapitan mga 4:50 pm and guess what? 5:15 pm na wala parin si Frances.



Kaya nung saktong 5 pm na nag dm na ako sakanya. 5 pm naman talaga ang usapan namin walang labis walang kulang.



Nag seen naman agad sya at nag reply nang 'otw'. Medyo traffic daw kaya wala pa siya.



Nag chat kanina yung pinsan ko sa side nila mommy na taga Quezon City din. Niyayaya nila ako sa mini bar sa Dapitan, sakto dun ko rin niyaya si Frances. Sa Subdivision din sila nakatira at mag kakalapit lang ang mga bahay namin.



Naghintay lang ako dito and finally nakita ko na si Frances. She's wearing a smoking puff sleeve and high waist denim pants. Suot nya din yung jacket ni Amy.



Palapit na sya sakin, nakita ko naman na may nakasunod sakanya kaya kumunot ang noo ko. Sino naman 'yon?



FRANCES POV


Napansin kong naka kunot ang noo ni jaydee nang makalapit ako sakanya. Tinignan ko kung kanino sya nakatingin.



Nakatingin si Jaydee kay Kielle na nasa likod ko. Tinignan ko naman si Kielle at parang nag aantay lang sa sasabihin ko.



"Jaydee, si Kielle pala friend ko, siya nag hatid sa'kin dito" Sambit ko kay Jaydee na nakatingin parin kay Kielle.



"Driver mo?" Maikling tanong ni Jaydee na walang emosyon. Agad ko siyang pinanlakihan ng mata. Nakakahiya kay Kielle ano ba 'yan.



"What did you say?" Agad na tanong ni Kielle kay Jaydee at parang tumaas ang boses niya.



"Hoy ano!? Wait lang para kayong tanga!" Sigaw ko para mapatingin silang dalawa sa'kin. Parang mga isip bata.



"Sorry" Sabay nilang sabi at nagkatinginan naman silang dalawa. Nagulat ako ng inilahad ni Jaydee ang kamay niya kay Kielle.



"Jaydee" Pagpapakilala niya at tinanggap naman ito ni Kielle.



"Kielle" Sambit ni Kielle at nag shake hands silang dalawa. agad din naman naghiwalay ang mga kamay nila.



"Ahm... Jaydee, Frances, I have to go. Frances, thank you for the short date"  Sabi ni Kielle at umalis na, tumingin naman ako kay Jaydee na parang nag tataka.



Sinenyasan naman nya akong sumunod sakanya kaya sumunod naman ako.



Medyo mabilis siyang mag lakad kaya binibilisan ko din ang lakad ko para masabayan siya. Hindi ko alam kung saan siya pupunta.



"Jaydee? Jaydee, dahan dahan lang ano ba" Sabi ko pero hindi sya sumagot. I saw her jaw moved aggressively.



"Jaydee, hintayin mo naman ako" Sabi ko ulit pero hindi talaga sya sumasagot. Hinayaan ko nalang at sumunod sakanya.



Napatingin naman ako sakanya nang magsalita siya. Wow! Buti naman at nagsalita na siya! Matapos kaming mag lakad ng 5 minutes! Oo bilang ko 'yon at ang tagal din ng oras na 'yon sa paglalakad!



Napahinto siya. "Did you eat already?" She asked.



"Not yet" Sagot ko.



"May una ka ng dinate, hindi pa kayo kumain" Sagot nya. I smiled a little. Why so obvious, Jaydee?



Agad naman siyang nag patuloy sa pag lalakad at sumunod naman ako.


COULD BE US (frandeesal)Where stories live. Discover now