38

2.8K 209 279
                                    

FRANCES POV


"Any questions, Engr Villaruel and Architect Pinlac?"



I smiled to my Daddy when our meeting is done, nandito kami sa site sa Cavite. Pinag-usapan namin ang mga gagamitin at bibilhing materials at kailangan naming mag dagdag pa ng construction workers at si Jaydee na raw ang bahala roon.



"Kung wala na, makaka-alis na ba ako?" He shrugged.



"Yes sir Pinlac," Formal na sagot ni Jaydee.



"Pabibo naman," Bulong ko at mukhang narinig niya 'yon dahil napatingin siya sa'kin.



"What?" Tanong sa'kin ni Jaydee nang makatayo si Daddy.



"Wala! sukatin mo na 'yung second floor!" Tumayo ako para i-check ang paligid ng site.



Naramdaman kong tumayo na rin siya at tinawag niya ang isang construction worker. Naglibot na'ko sa buong site.



Tungkol sa issue ni Jaydee, ayos na ang lahat at alam na rin ng pamilya ko ang tungkol 'don, isang linggong nakalipas na rin pala. Alam na rin ng buong kumpanya ang nangyari, hindi na muna dapat papapasukin si Jaydee sa work pero nagpupumilit si Jaydee dahil wala raw akong kasama kung ako lang muna ang hahawak nitong project.



Hindi ko alam kung paano napagsasabay ni Jaydee ang pagta-trabaho at pag-kakanta, mukhang wala siyang pahinga kung iisipin at Head pa siya ng Engineer. Hindi na'ko magtataka kung malaki ang eye bags niya.



"Good afternoon po Architect," Yumuko sa'kin ang isang trabahador.



"Good afternoon," I smiled.



"Ganda mo ngayon Architect, ah," Sambit nito.



Pati pala rito sa site may bolero rin, akala ko ang mga nagpapalibre lang ang mga ganito. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya tinanong ko na lang ang pangalan niya.



"What's your name?" I asked.



"Aries, but call me ris na lang," He answered and winked at me.



Mukha pa siyang bata at hula ko baka nasa 18 pa lang 'to pero nag ta-trabaho na siya bilang karpintero.



"Sounds good," Tumango tango lang ako.



Nakita ko sa hindi kalayuan si Jaydee na may katawagan sa phone niya, sino naman kaya 'yon? Umirap ako at nagpatuloy sa ginagawa ko. Hindi ko na naririnig ang sinasabi ni Aries at hindi ko na 'yon pinansin. Naikot ko na ang buong site at may mga pina-ayos lang ako sa workers 'pag hindi magandang tingnan.



"Architect!"



Napatingin ako sa gilid ko nang tawagin ako ni Jaydee, naglakad siya palapit sa'kin nang tingnan ko siya.



"What do you want?" Tanong ko sakanya nang makalapit siya sa'kin.



"You," My jaw dropped.



"Nasayo ang floor plan diba?" Dugtong niya, buti naman at nalinawan ako.



Binigay ko ang floor plan sakanya at tiningnan niya 'yon.



"Okay," She whispered.



"Did you eat already?" She asked me. "Kain tayo?"



Sa tingin ko mas kailangan munang kumain ng mga construction workers dito, gusto ko silang bilhan ng pang meryenda, hindi pa naman ako nagugutom dahil kakakain ko lang.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 10, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

COULD BE US (frandeesal)Where stories live. Discover now