32

1.3K 78 9
                                    

FRANCES POV


"Simula na nang 3 weeks Finals ah. Saan punta mo?"



Malapit na ang pag-tatapos ng Batch school year na'min. Nasabi na din sa'kin ni Jaydee na simula na din ng practice nila para sa Graduation pero meron pa daw silang finals.



"Lalabas kami ni Jaydee ngayon. Hindi ko nga alam kung saan e." Sagot ko kay Coco dahil kakalabas niya lang ng kwarto at nakita niya yatang nakabihis ako.



"Oh? Gabi na, mag ingat kayo. Nasaan na daw ba siya?" Tanong niya at umupo sa couch.



"Hihintayin ko nalang siya sa baba ng building para hindi siya umakyat dito." Sagot ko sakanya at kinuha na ang pouch ko.



"Saan ba kayo pupunta?" Ulit na tanong niya. Hindi ko alam kay Coco kung nakakaintindi siya ng tagalog eh.



"Kakasabi ko lang, hindi ko alam diba" Patawang sagot ko at gusto ko di'ng umalis dito sa unit. Excited na din ako kung saan kami pupunta.



"Wala kabang ideya kung saan kayo pupunta?" Tanong pa niya.



"I have no idea." I answered. Hindi na niya ako pinansin at binuksan niya ang TV para manood ng Netflix.



Nag-ayos pa ako ng kaunti at tsaka lumabas na nang unit at bumaba ng building. Nandito lang ako sa tapat ng building kung saan ako pwede makita ni Jaydee, naghihintay lang ako dito dahil wala pa siya. It's already 8 PM.



"Frances, sorry I'm late." Tawag ni Jaydee sa gilid ko. Halos 30 minutes na akong naghihintay dito at ngayon palang siya dumating. Agad siyang lumapit sa'kin at niyakap ako.



Kumunot ang noo ko nang maamoy ko ang alak sa kanya. "Uminom ka?" Nagtatakang tanong ko. "Sinong kasama mo?"



"Si Daryll tsaka sila Rozian, yung pinsan ko" Sagot niya habang naglalakad kami papuntang parking lot.



"Bakit hindi ka nag sasabi sa'kin?" Ngusong tanong ko sakanya.



"Biglaan lang yung yaya nila sa'kin eh. Kinidnap ako ni Daryll sa unit" Sagot niya at binuksan ang pinto sa Passenger seat para doon ako maupo. Agad din siyang umikot at umupo sa driver seat.



"Saan tayo pupunta?" Tanong ko dahil hindi ko talaga alam kung saan kami pupunta. Hindi man lang siya sumagot sa tanong ko at dere-deretsong pinaandar ang sasakyan, ni-hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin.



Alam ko namang hindi siya lasing kaya hinayaan ko na siya mag drive. Amoy alak lang talaga siya at medyo namumula ang mukha dahil ganoon siya kapag nakakainom.



Habang nagdadrive siya, tinignan ko ang ig stories nila Daryll. Marami nga silang nag iinuman at hindi ko pa kilala ang iba. Ang nakalagay ay nagkayayaan daw silang mag cha-childhood friends.



Kumunot ang noo ko nang makita si Madie at magkatabi pa sila ni Jaydee.



"Kasama si Madie?" Tanong ko. Buti pa si Madie kasama, tapos ako hindi?



Tumango siya at hindi na nagsalita. Hindi na rin ako nagsalita. Gusto kong magtanong kung anong nangyari o kung may ginawa sila ng mga kasama niya pero ayoko naman magtunog na parang inaakusahan ko siya.



Tumingin ako sa mga nakapakal na pangalan ng lugar at sa Tagaytay siya lumiko.



"Sa Tagaytay tayo?" Tanong ko.



COULD BE US (frandeesal)Where stories live. Discover now