34

1.4K 109 63
                                    

FRANCES POV


"Tapos na, magpahinga ka na, Frances."



Ngumiti ako kay Karla habang inaayos ang gamit ko. Tapos na ang finals. At sa buong linggo na'to nasanay na' kong hinihintay ako ni Jaydee sa labas ng building na'min tuwing lunch. Kadalasan ay hindi ko siya pinapansin. Hindi pa'ko handang kausapin siya. Masyado pang fresh sakin lahat at masyado pa'kong pagod sa nangyayari.



I was mourning over my grades, losing my achievements, and losing myself overall. Hindi na ako aasa na may honor pa ako ngayong sem. Pakiramdam ko hindi ko na kaya ang isa pang problema. Ayos na ang pakiramdam ni Mommy ngayon at nagpapagaling na lang siya, alternate na lang akong bumibisita sakanya sa hospital para kumustahin siya.



Lumabas ako ng building at gaya ng inaasahan ko, lumapit sa'kin si Jaydee. Yesterday, she tried to give me a bouquet but i refused. This time, she was holding another one. Bumuntong hininga ako at hindi ko siya pinansin. Sinundan niya' ko hanggang sa makarating kami ng waiting shed sa tapat ng mall, kung saan kami unang nagkakilala. It was raining.



"Frances, let's just talk, please," Pagmamakaawa niya.



Huminto ako sa paglalakad at pinagmasdan siya. Namumugto ang mata niya at mukhang kakagaling lang sa iyak. Mukha ring pagod na pagod na siya at hindi natutulog. Napansin ko din ang nangingitim na pasa sa panga niya, anong nangyari dito? Ayoko nang magtanong tungkol doon at baka dumagdag lang 'yon sa iisipin ko.



"Bakit ba nandito ka nanaman? Wala ba kayong practice!?" I snapped at her.



She pursed her lips and avoid my gaze. It looked like she wanted to say something but she was it all in. Natatakot ako na baka nga tama ang hinala ko doon sa sinabi niya noong isang gabi na may gumagambala daw sakanya. Wala akong ideya kung sino 'yon at wala na din akong pakialam.



"Finals week mo, di'ba!?" Pinagsingkitan ko siya ng mga mata.



"It's done," Serysong sagot niya sa'kin.



"May practice pa kayo di'ba? Kung tapos na magpahinga ka na. Tapos na rin naman tayo, Jaydee." Nilagpasan ko ulit siya.



Akala ko ay hahayaan niya' ko tulad ng dati pero hinawakan niya ako sa braso at hinarap sakanya. Pagkaharap ko ay nakita nang tumutulo ang luha niya. I could tell how tired she was from all of this but she was still trying to persuade me.



"What do you mean we're done?" She bit her lower lip, not wanting to hear me repeat it.



"You're a cheater. You cheated on me that girl you told me not to fucking worry about! Ano pang gusto mong explaination doon!? Hindi pa ba sapat 'yon ha? Hindi ba 'yun totoo?"



"Yes," Walang hiyang sagot niya at pinunasan ang luha niya.



"Malamang! Walang manlolokong aamin sa katarantaduhan niya kung hindi pa nahuli! Nakakapagod ka intindihin, Jaydee!"



"You're not even trying to understand me..."



"Ano pa'ng gusto mo!? Magpakatanga ako sayo? Oo, mahal kita. Mahal pa rin kita pero ayokong magmuka akong tanga sa babaeng niloko ako. Ako mahal kita. Kahit kailan hindi ko naisipang lokohin ka kaya paano mo nagawa 'yun sa'kin?" Napalunok ako para pigilan ang luha ko.




"Hindi kita niloko, Frances, please." She begged.



Umiling ako at sinubukang punasan ang luhang tumutulo mula sa mata ko pero paulit-ulit lang silang bumabagsak. Jaydee looked so in pain. She looked like she was barely living.



COULD BE US (frandeesal)Where stories live. Discover now