18

1.2K 76 9
                                    

FRANCES POV


Bumaba na kami galing rooftop.  Sumalubong naman si tita sa pag baba na'min.



"Gusto niyo bang, dito na kayo mag palipas ng gabi?" Tanong ni Tita sa'min.



Tinignan naman ako ni Jaydee na naghihintay sa isasagot ko.



"Sure. Wala pong problema" Sagot ko kay Tita.



"Wala kang masusuot na damit pamalit Frances" Bulong sakin ni Jaydee at parang narinig ni Tita 'yon.



"May mga damit doon sa Cabinet para sainyo at nasa second floor ang kwarto niyo. Hanapin niyo ang bakanteng kwarto doon" Sagot ni Tita samin at tumalikod na para mag lakad.



"Tara na! Sumunod na kayo sakin mag hahapunan na" Salita ni tita at naglalakad parin.



Tinignan ko kung anong oras na sa phone ko, it's already 6:30 pm. Narealize ko'ng ang tagal din naming nasa rooftop kanina.



Isang linggo palang kaming mag kakilala ni Jaydee pero parang ang dami ng nangyari sa'min.



"Message mo na si Coleen na dito ka matutulog kasama ako. Baka mag aalala yon" Sabi bigla sakin ni Jaydee at parang naghihintay sa gagawin ko.



Agad akong pumunta sa ig at pinindot ko ang convo na'min ni Coco.



Me: Covco, hindi muna ako uuwi ngayon. I'm here at Jaydee's Mom house, dito kami pinapatulog ni tita. Pumayag na ako, nakakahiya naman kung tatanggi pa ako.



Me: Don't worry safe ako dito, lalo na kasama ko si Jaydee.



Agad namang nag seen si Coco at mukang kanina pa siya nag aantay sa message ko.



Coleen:  Wow sana all legal! Wag kang kiti kiti dyan matulog ha!



Reply ni Coco at nag react nalang ako ng emoji.



Napatingin ako kay Jaydee na parang naghihintay na magsalita ako.



"Alam na ni Coco, nasabi ko na" Sabi ko sakanya.



"Tara na!" at sabay batok sakin pero mahina lang. Tumakbo siya agad at parang mag papahabol.



Hinabol ko agad siya para makabawi at mukha na kaming nag tataya-tayaan dito.



Sa gitna ng pag hahabulan namin.  Nasagi ko ang maliit na flower vase kaya nagulat ako buti nalang hindi nalaglag.



Na out of balance ako kaya pilit akong hinahawakan ni Jaydee para hindi matumba, pero naapakan niya yung paa ko kaya natumba parin kami. Agad niyang nilagay ang isang kamay niya sa sahig para hindi ako mabagok.



Yung pwesto namin ngayon, ako ang nakahiga at nandito siya nakapatong sakin ngayon. Napapikit ako ng magkalapit ang muka naming dalawa.



Napamulat ako ng biglang may nalaglag sakin ng kung ano, yung silver necklace niyang laging naka tago ang pendant sa damit.



Nakita ko ang pendant nito "JNV" ang pendat. Agad niyang kinuha ang necklace sa dibdib ko at tumayo.



Binaba niya ang isang kamay niya sakin para alalayan ako tumayo, "Sorry" bulong niya at hinahawakan ako kung ayos lang ako.



"Can i see your necklace?" I asked, Agad naman niya itong pinakita sakin.



COULD BE US (frandeesal)Where stories live. Discover now