3

1.4K 79 0
                                    

JAYDEE'S POV


"Hoy par gising na gising na, tanghali na!" Isang malaking sigaw ang narinig ko, Tinapik tapik pa ako ni Amy, ano bayan ang bilis ng oras. Anong oras ba ang pasok nila?



Pinipilit kong buksan mga mata ko pero hindi ko talaga kaya. Baka naman pwedeng bukas nalang ako mag pa transfer. Sobrang puyat ako kagabi, tsaka nung isang araw.



"Baka pwedeng bukas nalang ako mag pa transfer. Kulang pa ako sa tulog e" Sambit ko dito nang naka pikit. Last week pako puyat, pero hindi ko na sinabi sakanya.



Mukang maaga pa. Ang dilim pa nakita ko bintana.



"Sige par bumawi ka ng tulog ha, pero wag habang buhay" Natatawang sambit ni Amy. Hindi nako nakasagot dahil bumagsak na aking talukap.



AMY'S POV


Maaga akong nagising sa alarm ko, 4:30 am ang alarm ko, dahil saktong alasais ang klase namin. Sinabi ko lang talaga na tanghali, para magising itong si Jaydee na tulog mantika.



"Baka pwedeng bukas nalang ako mag pa transfer. Kulang pa ako sa tulog e" Sambit niya habang nakapikit. Sabi na e, pero sige bukas nalang. Para makabawi din naman siya ng tulog.



"Sige par bumawi ka ng tulog ha, pero wag habang buhay" Sambit ko at natawa pa ako sa sinabi ko. Agad naman siyang bumalik sa tulog niya.



Agad nakong naligo at nag ayos. 5:30 am na, aalis nako at mag ggrab. Yun naman lagi ang ginagawa ko, medyo malapit lang naman yung school namin pero, para syempre mabilis makarating.



Kinuha ko na rin ang handkerchief ni Coco at baka ngumawa ngawa nanaman ito. Mahalaga daw sakanya iyon dahil bigay pa daw sakanya ng grandfather niya. Naiintindin ko naman.



Iniwan ko na si Jaydee doon sa condo ko. Nandito na ako sa harap ng school namin.



Nasa hallway nako, at naglalakad. Maaga pa naman para mag bell, 5:50 am palang may 10 minutes pa.



Pagkapasok ko, agad na sumalubong sakin si laney "Goodmorning bhie" Bati niya, mukang good mood ha.



"Goodmorning din bhie!"Bati ko sakanya at pumunta na sa chair ko. Binati din ako ni Coleen dahil magkatabi lang kami.



"Handkerchief ko?" Tanong niya agad. Hindi ko mapagkakailang ang ganda ni Coleen.



SI Coleen Trinidad nga pala, Classmate ko na siya mula High School, mabait siya at bestfriend niya si Frances. Nag ta-trabaho ang daddy niya bilang Manager ng Resort sa Batangas. Nabanggit niya pala sakin iyon, at sa condo siya nag s-stay ngayon. Kasama si frances na grade 11. Kababata niya daw at bestfriend niya, tropa na din namin si Frances.



"Oh eto na!" Bigay ko kay Coco ng handkerchief. Bigla namang nag bell, it's already 6am na pala at mag s-start na ang klase



JAYDEE'S POV


Naalimpungatan ako sa pagkakatulog ko. Nakita ko naman ang bintana, ma araw na. Buti naman naka bawi ako ng tulog kahit papano.



Agad kong tinignan kung anong oras na. It's already 11:30 am at wala pa akong kinakain. Naiwan ako dito sa condo ni Amy dahil sabi ko, bukas nalang ako mag papa transfer.



Agad akong pumunta ng kusina para maghanap ng makakain. Pagbukas ko ng ref, wala puro sangkap lang ito and, i don't know how to cook. Dahil hindi naman ako nagluluto sa'min.



I entered in the bathroom and take a shower in 20 minutes.



Nagbihis ako agad sa kwarto, naalala ko nagdala pala ako ng iilan na black jeans. Nasa likod ng kotse ko ito.



Pumunta ako sa parking lot at kinuha ang mga black jeans ko, at kinuha ko ito sa likod ng kotse. Nakita ko namang may white na Sweater sa backseat.



Kinuha ko ito. Hinubad ko pala ito nung isang araw, habang papunta ako kila mommy.



Hindi pa naman siya madumi, siguro ito nalang yung susuutin ko. Hindi ko naman to nagamit ng matagal nung isang araw.



Bumalik nako sa unit ni Amy at nagbihis. Bumaba ulit ako ng parking lot, aalis ako para maghanap ng makakain.



Pumasok ako sa malapit na mall, nag ikot ikot ako kung meron akong magugustuhan. Buti nalang merong Ramen Restaurant.



Doon nalang siguro ako kakain. Chineck ko ang wallet ko at dala ko naman. Pati credit card na bigay ni mommy sakin.



Pagkapasok ko sa resto, umalingasaw ang bango ng Ramen. Namiss ko ito, last month ang huling kain ko sa ramen.



May mga napatingin naman sakin, at pansin kong tinignan nila ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko nalang ito mga pinansin.



Pumunta na ako sa cashier para umorder. Tsaka ako naghanap ng mauupuan.



Nakahanap na ako ng mauupuan at, napansin ko naman itong babae sa gilid ko. Pasulyap sulyap sakin nakakairita naman.



MADIE'S POV


Habang nag kwe-kwentuhan kami ni ate Belle, may pumasok naman na babae na parang Rich kid, naagaw niya ang atensyon ko. She's wearing a Black jeans and white Sweater. Wala naman siyang suot na kahit anong alahas, pero kung titignan mo siya parang siyang Entrepreneur.


Sinundan ko lang ito ng tingin at papunta siya sa cashier, para umorder napansin ko namang nakatingin na sakin si ate Belle.



"Hoy ano, wag mong sasabihing type mo yon?" Natatawang sabi ni ate belle, kaya napatingin nako sakanya.



"Masama bang, tumingin lang?" Tanong ko, at sumimsim sa mainit na sabaw.



"shwhfjshshsfj, alam ko na yan madie sinong niloloko mo?" Patawang sambit ni ate belle sakin. Nakakainis naman alam nya na lahat ng galaw ko.



Napansin kong papunta sya dito sa pagitan namin. Dito siya umupo sa tabi naming table.



"Lapitan mo na" Sabi sakin ni ate belle. Tinignan ko naman yung babae parang, wala siyang pake sa mundo at nag phophone lang.



Agad akong tumayo at lumapit sakanya. Narinig ko naman ang bulong ni ate Belle.



"Sana all malakas loob" Natatawang bulong ni ate Belle, at ako lang ang nakakarinig.



Umupo ako sa tapat ng babae, parang wala siyang nakita kaya sinubukan kong magsalita.



"Hey, I'm madie" Pagpapakilala ko at inilahad ang kamay ko sa harap niya.



Hindi pa din sya tumingin at nag phophone lang. Nakakainis naman itong rich kid na 'to.



Napansin kong papunta na dito ang waiter, at parang order niya iyon.



Pagkababa ng order ng babaeng ito, tumingin na din siya sakin. Finally! akala ko hangin lang ako.



"What?" Walang emosyong tanong niya. Sungit naman ni'tong rich kid.

COULD BE US (frandeesal)Where stories live. Discover now