10

1.3K 84 14
                                    

FRANCES POV


Ang ingay ingay dito sa unit ni ate Gabb,  lahat dito nagsasaya buti nalang walang katabi ang unit ni ate Gabb at dulo pa.



Napansin kong tumayo si Jaydee at nag ligpit. Pinapanood ko siyang kunin yung mga empty bottles at yung ibang disposable paper plates at nilagay nya iyon sa trashbag.



I smiled a little, hindi naman niya condo ito at nagliligpit siya. I was guessing na bothered siya sa kalat at walang magawa.



Tumayo na rin ako para tulungan sya magligpit. Tinapon ko na rin yung mga basong walang laman, pagkatapos iniwan nya muna sa tabi yung garbage bag, ako naman pumasok sa kwarto at lumabas doon sa terrace, ang ingay kasi sa loob.



Nagulat ako ng sumunod siya sakin.  Sinandal niya ang dalawa niyang siko sa terrace at tumingin sa ilaw galing sa iba't ibang building.



"Hi, bakit ka nandito?" Tanong ko sakanya at tumingin.



"Maingay" Maikling sagot niya.



Tumango ako at nag isip pa ng itatanong "Bakit mo naisipan na mag transfer dito?


"Because of my Father" Sagot niya.



"Why?" I asked.



"Nothing" Maikli niyang sagot, at parang ayaw niya i-kuwento sa kahit sinong mag tatanong sakanya.



Natahimik nalang akong nakaupo dito. Nakita ko sa damit niya na ang liit ng pagka print hindi ko mabasa, kaya simple ko itong pinicturan at zinoom.



"Jennifer Nandy Villaruel" Ang nakalagay, pangalan nya ba ito? Halata naman.



"First year senior high?" Salita niya.



Napatingin ako sakanya nang nagtanong siya.



"Yes, you?" Sagot ko, kahit alam kong second year Senior High siya.



She laughed at my answer a little, kaya napatingin ako sakanya.



Wala nang kasunod ang mga iyon, at parang walang balak magsalita ang isa saming dalawa.



"What's your full name?" She asked after a long silence.



"Bakit mo tinatanong?" Tinaasan ko siya ng isang kilay, kunwari hindi ako kinikilig.



"I can't?" Balik na sagot niya.



"Aadd moko sa facebook?" Mabilis kong sabi.



"I don't use facebook" Sagot din niya ng mabilis.



"But you have one?" Tanong ko.



"i have one" She simply answered.



I laughed a little "Frances Therese Pinlac" Pagpapakilala ko.



"Too long" She said.



"Okay just call me love" I said.



Tumaas ang isa niyang kilay at inismiran ako, sungit naman nito.



"How shall i call you?" She asked. Parang sinasabayan niya lang ako dahil alam naman niya na talaga ang pangalan ko.



"Simple just ask for my number" i smirked.



I saw her smiled a little, sungit kapa ha.



"Frances, just call me Frances kilala mo naman na siguro ako" Sabi ko sakanya at ngumiti.



Tumango siya at tinalikuran niya na ako at bumalik sa loob.



Nang pumasok siya sa loob, pumasok na rin ako at nakita kong nakapaikot sila roon at mga lasing. Nag papadamihan na ng inom, mga nag papalakasan.



"Anong oras tayo uuwi Jaydee? Tanong ni Amy kay Jaydee na medyo lasing, pero parang alam niya pa ang sinasabi niya.



"Kayo kung anong oras kayo uuwi" Sagot naman ni Jaydee.



Yung iba dito bagsak na at tulog, pati si ate Gabb na inasikaso ni ate Ella sa kwarto nila. Nakita ko naman si coleen na nakaupo at parang umidlip.



"Coco uuwi paba tayo?" Tanong ko sakanya at lumapit.



"Saan?" Hindi pa din siya dumidilat.



"Malamang sa condo" Sabi ko at tinapik tapik siya.



"Bakit? dito unit ko e" Sabi niya at tuluyan ng nahiga sa couch. Sabi na nga ba mag lalasing ito.



Nakita ko naman sila Jaydee, Amy, Laney na parang paalis na.



Napatingin naman sakin si Jaydee at lumapit siya sakin.



"hatid ko na kayo" maikling sabi niya at pinasunod kami sakanya.



Agad ko namang inalalayan si Coco na tulog, at buti nalang nakita ako ni Laney kaya tumulong na din siya.



Hindi na kami nakapag paalam dahil lahat sila bagsak. Lagot may pasok pa bukas, baka mamaya lahat sila absent.



Nakababa na kami at papunta sa parking lot. Agad namang nakita ni Jaydee yung kotse niya, natandaan ko itong kotse na ito.



Fortuner yung kotse niya. Sabi na nga ba, siya yung muntik ng makasagasa sakin doon sa tapat ng Mall. pero hinayaan ko nalang dahil hindi lang naman sya yung may fortuner na sasakyan, pero babae ang nag ddrive 'non.



"Frances, ikaw muna sa Passenger seat, ayoko muna dyan nahihilo ako" Sabi bigla ni Amanda sakin at napatingin sakin si Jaydee.



Hindi na ako nakapag salita dahil agad agad na pumasok si Amu sa backseat.  Pinasok ko na din si Coleen.



Pumasok na si Jaydee sa driver seat at pumasok na rin ako sa Passenger seat.



ini-start na ni Jaydee yung kotse at umandar. Binuksan niya yung bluetooth nitong sasakyan at "Passenger seat" ang kanta.



"I look at her and have to smile, As we go driving for a while" Pagsabay niya sa kanta at nakapatong ang siko sa sliding window na katabi niya. Ang lamig din ng boses niya.



"her hair blowing in the window of my car, And as we go, the traffic lights" Pagdugtong niya sa kanta at niliko ang kotse gamit isang kamay. Napahinto siya dahil naka Red light ang Traffic lights.



"And I've got all that I need, Right here in the Passenger seat"  Napansin kong napatingin siya sakin at agad ding binalik ang tingin sa daan. Hindi ko maiwasang kiligin, bakit ba siya ganito.



"oh, and I can't keep my eyes on the road, knowing that she's inches from me" Pagtuloy niya sa kanta. I bowed my head and smiled a little.



Napansin kong huminto na siya at naghahanap ng paparkingan. Tumingin ako sa bintana, nandito na pala kami sa harap ng condo namin ni Coco.



agad kong ginising si Coco at nagising naman to agad ang pupungay pa ng mata, salamat naman hindi nako mahihirapan.


Bumaba na si Jaydee at bumaba na din ako pati si Coleen, nakita ko sila Laney na tulog kaya hindi nila napansin.



Hinatid kami ni Jaydee sa entrance ng building.



"Thank you Jaydee. Dito na kami ingat sa pag drive" I said, tumango naman siya bago mag salita.



"Take care, Goodnight"

COULD BE US (frandeesal)Where stories live. Discover now