Chapter 1

11.8K 202 52
                                    

Humikab ako dahil sa antok at pagod. Malakas ang ulan at tanga tanga nitong kasama ko dahil hindi nagdala ng payong. Napabuntong-hininga ako dahil hindi kami makalabas ng school. Nakatayo pa rin kami rito sa entrance ng Lyceum.

"Puro kasi pagpapapogi ang alam mo, e!" sigaw ko at binatukan siya.

"Aray ha! Nakaka tatlo ka na, Selene," aniya kaya binatukan ko ulit siya.

"Ayan pang-apat! Unggoy!" sigaw ko.

"Ay putcha kapal talaga nito!" sigaw niya pabalik.

"What are you two doing?"

Sabay kaming napatingin sa likuran namin at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang crush ko. Chance faked his cough.

"Please call a police. Someone is dying here," aniya at kumapit sa braso ng crush ko.

OA nito ha. Parang binatukan ko lang ng apat na beses!

"Is this a lover's quarrel?" Ngumisi siya.

OMG LORD PWEDE NA PO AKONG MAMATAY! NAKAKITA AKO NG PERPEKTONG NGISI.

Maarte kong inilagay ang mga tumakas na buhok sa likod ng tainga ko at ngumiti. "Uhm, hi, enebe hehe keheye nemen. Selene nge pele, your future bebe," kinikilig na sabi ko at inilahad ang kamay sa kanya.

"Luh? Anyare sa dila mo, Selene? Nahipan ka ba ng masamang hangi—" Agad ko nang siniko si Chance pero nakangiti pa rin ako sa harap ng crush ko.

"Para saan 'yan?" tanong ng lalaki.

"Pere se hebeng-buhay mo hehehe," sagot ko at binasa ang labi ko.

"Oh? Gan'yan ka talaga magsalita? Ang unique, ah,"

Nawala ang ngiti sa mga labi ko at nakaramdam ng hiya. Bumagsak ang kamay ko dahil hindi niya 'yon kinuha. Sobrang landi ko na yata! Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Chance kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Pasensya ka na kay Selene, ah? Nahipan kasi ng masamang hangin 'yan," sambit niya at inilahad ang kamay sa crush ko.

"Chance, pare."

"Tyler," sagot niya at inabot ang kamay ni Chance.

Wow ano 'to Bromance? Kainis! Hindi kinuha 'yung kamay ko pero kinuha 'yung kamay ng kaibigan ko?

"Pogi mo pala talaga, pre. Baka naman may payong ka d'yan?" tanong niya nang bumitaw sila sa kamay ng isa't-isa.

Napakunot ang noo ko kay Chance. Ang kapal talaga ng mukha, e!

"Hoy ang kapal ng libag mo!" sigaw ko at hinampas siya.

"Pala hampas siya oh," aniya sa akin.

"Meron," sagot ni Tyler. 

"Talaga? Pahiram naman kami. Hindi kami makauwi, e." Pinalungkot niya ang boses. Mas lalong kumunot ang noo ko at napailing na lang sa drama niya.

"Kaso gagamitin ko." Lumawak ang ngiti ni Tyler na parang nang-aasar.

Tss! Wala na 'di ko na siya crush! Turned off! Akala ko pa naman cold guy. Mahilig kasi ako sa malalamig na lalaki tapos mapapalambot ko siya. Char feeling nasa novel buhay mo, te?

"I'm going. See you tomorrow," aniya at umalis na.

"Wala na ekis na. Hindi man lang inabot 'yung kamay ko? Tss!" inis kong tinignan ang likod ni Tyler.

"Mukha ka kasing walang ligo, Selene. Kahit ako hindi ko aabutin 'yang kamay mo." Inakbayan niya ako kaya sinuntok ko ang tagiliran niya.

"Mapanakit siya oh! Masyado kang natutuwa sa'kin ah!" sigaw niya at nag-iinarte. Inirapan ko siya.

Loving the Half Moon (Formentera Series #1)Where stories live. Discover now