Chapter 9

4.8K 96 12
                                    

"Selene? Selene!" Umangat ang tingin ko kay Tita Lucille nang marinig ko ang boses niya. Agad silang lumapit sa akin at inalalayan akong makatayo.

"T-tita... wala na si Chance..." humikbi ako sa harap nila.

"Ano?" sabay nilang tanong.

Pinunasan ko ang mga luha ko at tumingin sa kanila. "S-si Chance po 'yan 'di ba?" Tinuro ko ang lalaking nababalutan ng kumot.

"He's not your friend, Selene. Naroon si Chance," sambit ni Tito Lenard kaya napakunot ang noo ko.

Agad akong naglakad at napaatras ako nang makitang duguan si Chance. Hindi ko siya nakita kanina dahil sa kurtina at hanggang ngayon ay napapaligiran siya ng mga doctor.

"Clear!" Napaatras ulit ako at napatakip sa bibig. Hindi ko na kayang makitang nagkakaganito si Chance.

Narinig ko ang pag-iyak ni Tita pero hindi ko na siya magawang tignan. Natulala na lang ako sa mukha ni Chance.

Mabilis ang kabog ng dibdib ko at natatakot ako. Bigla na lang akong napahawak sa ulo ko nang bigla itong sumakit. May nakikita ako ngunit mga dugo lang at malabong-malabo.

"Ahh!" malakas na sigaw ko nang sumobra ang sakit ng ulo ko. Bakit parang may nag fa-flashback sa utak ko?

"Selene, ayos ka lang?" narinig kong tanong ni Tito pero hindi ako nakasagot.

May mga dugo... kaninong dugo ang mga ito? Madilim pero alam kong dugo ito.

"His pulse is back!"

Bumalik ang tingin ko kay Chance nang marinig ang boses ng doctor. Nang marinig ko 'yon ay napahinga ako nang maluwag. Thanks God!

"Someone saved him, Selene," si Tito.

Hindi ko na alam kung paano kami kumalma ni Tita Lucille. Makalipas ang ilang oras ay sinabihan kami ng doctor na pwede na naming puntahan si Chance sa kwarto pero hinayaan ko muna ang mga magulang niya.

Umupo ako sa hospital bench at sumandal. What was that? Bakit may nakita ako? Hindi ko maalala kung kailan nangyari 'yon pero parang nangyari na 'yon maraming panahon na ang nakalipas. Kaninong dugo 'yon?

I took a deep breath. Was that serious? Hindi naman siguro? Baka nakita ko lang iyon dahil sa nakikita kong dugo ni Chance.

Nang lumabas sila Tito at Tita ay hinarap nila ako. Pinahid ko ang mga natirang luha sa pisngi ko at tumayo.

I wanted to thank the person who saved my friend pero sabi nila Tita at Tito ay mabilis nang umalis ito.

"K-kamusta po si Chance?" tanong ko.

"Hindi pa siya nagigising, Selene. Stable na ang kalagayan niya, kailangan na lang nating hintayin na magising siya," sagot ni Tito Lenard.

Tumango ako at tumingin sa loob ng kwarto kung saan nakahiga si Chance. Mahimbing siyang natutulog at may puting benda na nakabalot sa ulo niya.

"Magigising naman po siya 'di ba?" tanong ko habang nakatingin pa rin kay Chance.

"Hindi pa alam ng mga doktor, magdasal na lang tayo na sana magising siya," narinig kong sagot ni Tita Lucille.

Bago ako pumasok ay pinagsuot muna ako ng kulay blue na sinusuot ng mga bisita ng pasyente. Puta hindi ko na alam ang tawag dito dahil ang tanging nasa isip ko lang ay si Chance.

Inayos ko ang surgical mask na suot ko bago pumasok sa loob. Nang makalapit ako ay umupo ako sa upuan na nasa tabi niya.

I held his hand. Parang kagaya lang ng dati. Mainit-init ang kamay niya. "Akala ko ba isasayaw mo ako? May sasabihin ka pa nga sa akin..." Namuo ang mga luha ko. We've been together for so many damn years, he was always full of energy and seeing him like this? Damn, it pains me.

Loving the Half Moon (Formentera Series #1)Where stories live. Discover now