Chapter 27

11.5K 80 5
                                    

Hindi totoo ang napanaginipan ko. Hindi si Mama ang pumatay kay Tita Fatima kundi si Mommy.

Hindi na ba siya nahiya? Pagkatapos niyang patayin si Tita Fatima ay umuwi pa siya sa bahay ng asawa nito? Fuck.

"Selene, magsalita ka naman. Are you okay?" tanong ni Dos.

Tumingin ako sa mga mata niya at doon ako sinapol ng awa at konsensya. Kaya pala. Kaya pala parang nandidiri siya sa akin na hawakan ako noon dahil anak ako ng taong pumatay sa nanay niya. Paano niya tiniis ang lahat ng sakit?

Putangina!

Hindi ko na alam kung kaya ko pang makasama siya pagkatapos nang ginawa ni Mommy kay Tita Fatima. Sinira ni Mommy ang buhay ni Dos. Lumaki siyang walang ina at ama sa tabi niya. Putangina ang sakit sakit.

Dahil sa nanay ko, naiwang mag-isa si Dos!

Kung ako talaga ang nasa kalagayan niya, hindi na ako babalik. Bakit pa ba siya bumalik sa akin? Sana hindi na lang ulit kami nagkita!

"Selene..." tawag niya pero malamig ko siyang tinignan.

Galit ako sa kanya. Paano niya ako minamahal kung ako ang anak ng isang mamamatay tao? At ang masaklap, hindi niya maipakulong si Mommy. Ginagawa niya ba 'yon dahil sa akin?

"Dos... alam mo ba?" mahinang tanong ko. "Sino ang pumatay sa Mama mo?"

Napalunok siya. Hindi nakatakas sa mga mata ko ang pagguhit ng lungkot sa mata niya. Tangina. Nasasaktan siya. Sobra siyang nasasaktan pero tinitiis niya ang lahat para sa akin.

"Dos, sana hindi ka na bumalik! Masasaktan ka lang!" sigaw ko.

"Masakit! Selene, ang sakit!" sigaw niya kaya natahimik ako. "Ang sakit kasi tangina bakit ikaw pa 'yung anak niya? Wala akong magawa! Tiniis ko ng isang taon na lumayo sa'yo pero hindi ko kaya dahil mahal kita!"

Napailing ako habang umiiyak. "Dos, hindi tayo pwede. Dos, hindi ko kayang makita kang nasasaktan."

"Selene, mahal kita..."

Pinahid ko ang mga luha ko at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Tinitigan ko siya sa mga mata habang umiiyak. Marahan akong tumango. "Alam ko, Dos. Alam ko... pero alam ko rin na nasasaktan kita."

Napayuko siya. "Aaminin kong kapag nakikita kita, naaalala ko ang mukha ng taong pumatay kay Mama pero, Selene... anong magagawa ko? Mahal kita."

Mas lalong bumagsak ang mga luha ko. Oh, God, please heal him.

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit niya ako iniwan. Naiintindihan ko na kung bakit mas pinili niyang lumayo. Hindi niya kayang makita ako dahil kahit tiisin niya, nasasaktan pa rin siya. Kung ako man ang nasa kalagayan niya, lalayo din ako at hindi na babalik.

Ipinagdikit ko ang mga noo namin habang hawak ko pa rin ang magkabilang pisngi niya. "Dos, pasensya ka na... pero hindi na ako babalik sa'yo..." para sa'yo 'to, Dos. Ayoko nang masaktan ka. Ayoko nang pahirapan ka.

Niyakap niya ako kaya bumagsak ang dalawa kong kamay sa kama. "Selene, 'wag mo akong ipagtabuyan..."

Napapikit ako. Sana kasi hindi ka na lang bumalik, Dos. Pareho tuloy tayong nahihirapan ngayon. "Dos, hindi ko kaya. Respetuhin mo ang desisyon ko. Hindi ko kaya, Dos... wala akong mukhang maihaharap sa'yo sa araw-araw."

"Selene naman... dito ka lang sa'kin," pagmamakaawa niya.

Dumilat ako at napatingala. God, what should I do?

"Dos..." Kumalas ako sa pagkakayakap niya sa akin.

Pinunasan ko ang luha sa mga mata niya. "Selene, kahit anong sabihin mo hindi ako aalis sa tabi mo."

Loving the Half Moon (Formentera Series #1)Where stories live. Discover now