Chapter 16

4.6K 78 1
                                    

Tatalikod na sana ako pero malakas na tinulak ni Tyler si Haven.

"Holy crap, Haven!" sigaw ni Tyler at agad pinunasan ang labi niya gamit ang likod ng palad.

"Ako ang palaging nandito, bakit siya pa rin?!" humihikbing sigaw ni Haven.

Mula sa mahinhin niyang boses noon, naging isang matapang na boses na ngayon.

"You're my friend! How could you do this?" hindi makapaniwalang tanong ni Tyler.

"Bullshit!" Nagulat ako sa lutong ng pagmumura ni Haven. Akala ko ay hindi niya kayang sabihin ang bagay na 'yon dahil nakilala ko siyang mabait.

"Mas nauna mo siyang nakikala pero mas matagal mo akong nakasama! Ako! Ako ang palaging nandiyan para sa'yo at hindi si Selene!" sigaw ni Haven.

Putangina anong nangyayari?

Haven is my cousin's girlfriend! Bakit naghalikan sila? Bakit gusto ni Haven si Tyler?

"Mas matagal kitang nakasama pero hindi kita minahal kagaya nang pagmamahal ko kay Selene simula nung nakita ko ulit siya," malamig na sambit ni Tyler.

Napalunok ako. This isn't cheating, right? Si Haven lang ang may kasalanan. Tyler pushed her.

Humagulgol si Haven. "Anong meron sa kanya na wala sa'kin? Sabihin mo naman... s-sabihin mo naman please..." nanghina ang boses niya at may pagmamakaawa.

Hindi ko alam kung maaawa ako sa kanya o hindi dahil una, alam niyang boyfriend ko na si Tyler pero hinalikan niya pa rin ito at pangalawa... ayoko siyang sisihin dahil nagmahal lang naman siya.

"Selene isn't plastic, Haven. Hindi niya magagawa ang bagay na ginawa mo sa kanya. Pinalagpas ko na ang ginawa mong pagnanakaw sa kwintas at paglalagay no'n sa bag niya dahil akala ko magbabago ka at hihingi nang tawad pero ngayon... sa paghalik mo sa'kin kahit alam mong boyfriend ako ng babaeng itinuturing kang bestfriend... sa tingin ko dito na matatapos ang pagkakaibigan natin." Tinalikuran siya ni Tyler habang ako ay muntikan nang mawalan ng balanse dahil sa mga narinig.

H-haven was the one who framed me? Hindi magnanakaw si Tyler at hindi siya ang naglagay no'n sa bag ko kundi si Haven?

How could she do that? Anong nagawa ko sa kanya para ganunin niya ako?

Tumulo ang luha ko.

Naririnig ko ang paghagulgol ni Haven pero tuloy-tuloy na sa paglalakad si Tyler papasok sa bahay niya.

"S-selene?" gulat na tanong ni Haven.

Huminga ako nang malalim at pinahid ang mga luha ko. Pinulot ko ang diary ni Tyler. Naramdaman ko ang paglapit ni Haven sa akin at napatingin ako sa braso ko nang hinawakan niya 'yon.

I looked into her eyes. Nakikita ko sa mata niyang nasasaktan siya.

"I'm sorry, Selene... I-I'm really sorry..." Humagulgol siya sa harapan ko.

"But can you do me a favor? Iwan mo na si Tyler. Hindi ka makakabuti para sa kanya. Mahal na mahal ko siya, Selene!" Nabitawan niya ang kamay ko at napaupo sa lupa.

Tinignan ko siya. Seryoso lang ang tingin ko sa kanya. Halo-halo ang nararamdaman ko. Inis, galit at awa.

"I've been with him for almost 10 years! At dahil lang sa'yo, iiwan niya ako. Selene, alam kong mabait ka... please... please palayain mo si Tyler para sa akin... sabi mo naman bestfriend mo ako 'di ba?" Nakaluhod na siya. Kaya niya pa lang lumuhod makuha lang si Tyler.

Tinanggal ko ang kamay niya sa kamay ko. "Mabait ako, Haven... pero hindi ako santo."

Itinayo ko siya. "At 'yung bestfriend? Patawad pero ayokong palayain si Tyler dahil lang sa salitang 'bestfriend' dahil unang-una, ako lang ang tumuring sa'yong ganoon. Wala tayo sa drama, hindi ako magpapaubaya." Tinalikuran ko na siya.

Loving the Half Moon (Formentera Series #1)Where stories live. Discover now