Chapter 29

9.4K 87 9
                                    

"Lumalala ang sakit niya..."

Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko ang doctor sa gilid pati sila Tita, Travis at Dos.

"Selene!" Agad na lumapit sa akin si Dos at hinawakan ang isang kamay ko.

Mas lalo yata akong nanghihina.

"Are you okay? Anong nararamdaman mo?" mabilis na tanong niya.

"O-okay lang," pagsisinungaling ko dahil ayoko na silang pag-alalahanin.

Hinarap ko ang doctor. "Maybe I'm getting weak because of the side effe—"

"I'm your doctor, Selene. Alam ko ang nangyayari sa'yo... and..." hindi niya maituloy ang sasabihin.

Pinipiga ang puso ko. Am I gonna die?

Ayoko. Ayoko pang mamatay. Gusto ko pang makita ang mga anak ko na lumaki.

"Doc, malala na ba ang lagay niya?" nag-aalalang tanong ni Tita.

Bumuntong-hininga ang doctor. Napayuko ako.

"Three months..." Napakapit ako sa kumot nang marinig ang sinabi niya. "Nakikita kong tatlong buwan na lang ang itatagal niya."

Nakita kong napaatras si Tita na parang nawalan ng balanse. Tinignan ko ang reaksyon ni Dos at namumula ang mga mata niya. Niyakap niya ako pero pinigilan ko ang mga luha ko.

"Doc, nag che-chemo siya! Hindi ba umeepekto?" tanong ni Travis.

"Malakas ako. D-doc, malakas ko. Kaya ko. Dahil lang sa side effects last month kaya ako nanghihina. Maniwala kayo sa'kin... k-kaya ko."

Hinarap ako ni Dos. Hinaplos niya ang pisngi ko. "You can make it, right? You're strong. I know you'll overcome this. I believe in you, Selene."

Ngumiti ako at tumingin sa kanila. "Magpapahinga na muna ako. Pwede bang umalis na kayo?" nakangiting sambit ko.

"Dito lang ako, Se—"

"Sige na, Dos. Lumabas ka na. Lumabas na kayo. Magpapahinga ako." Hindi ko na sila tinignan at inayos ko na lang ang kumot sa katawan ko.

"Just call me when you need something, Selene. Nandito lang ako sa loob ng bahay niyo," ani Dos pero hindi na ako sumagot.

Nang maramdaman kong wala nang tao ay napaupo ako. Sumandal ako sa headboard ng kama at niyakap ang dalawang tuhod ko. I placed my chin on my knee and started to cry quietly.

Binigyan ako ng taning ng doktor ko. My heart is tearing apart. Gusto ko pang makasama ang mga anak ko. Gusto ko pang mabuhay nang matagal.

Kapag may problema tayo, naiisip natin magpakamatay para tapusin ang problema natin pero kapag napagtanto mo na ang halaga ng buhay... hihiling ka sa Diyos na sana humaba pa ang buhay mo para makasama ang mga taong mahalaga sa'yo.

"Shh... tahan na, Selene. K-kaya mo. Kaya mo lahat," pagpapatahan ko sa sarili ko.

Nakaya ko na lahat ng problema ko. Kinaya ko. Ngayon pa ba ako susuko?

Nakakapagod lumaban pero kahit sabihin nating pagod na tayo, wala naman tayong ginagawa kundi lumaban pa rin. Lumalaban pa rin tayo kahit ilang beses nating sinasabi na pagod na tayo.

Lumabas ako at sinilip ang kambal ko. Mahimbing silang natutulog. Napangiti ako.

Sila ang pahinga ko.

Wala akong masyadong kinausap ngayong araw. Kinabukasan ay pumasok sa kwarto ko si Tita Lorna nang may ngiti sa labi.

"Po?" Umayos ako ng upo sa kama.

Loving the Half Moon (Formentera Series #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat