Chapter 23

13.4K 138 45
                                    

"Ang dami nito!"

Natatawa kong tinignan ang mga gamit ng baby na binili ni Chance. Pang babae at pang lalaki. Hinampas ko siya dahil sa tuwa.

"Aray ah natutuwa ka masyado ah," aniya.

"Bakit mo ba binili 'to?" natatawang tanong ko.

"E sa inaanak ko 'yan bakit ba," sagot niya at umupo sa swivel chair ko. Inikot-ikot niya 'yon.

Nakakatuwa. Feeling ko buhay na buhay na ang anak ko.

"Selene!" sigaw ni Chance at agad na pinunasan ang luha ko.

I didn't notice that I was already crying. Masaya lang ako. At first, I didn't like the fact that I was carrying a child in my womb but after seeing these things, nakaramdam ako nang sobrang tuwa. Magkakaanak na ako!

Pinunasan ko ang luha ko at mahinang tumawa. "M-masaya lang ako."

Hinagod niya ang likod ko. "Kita ko nga, nangunguna uhog mo, e."

Natatawa ko siyang hinampas. Kinuha ko ang laylayan ng damit niya at isininga ang sipon ko. "Tangina dugyot ka pa rin!" sigaw niya pero hindi ko 'yon pinansin at mas isininga pa ang sipon ko.

Pagkatapos ay hinarap ko siya. "Sana babae ang anak ko tapos kapag nagka-anak ka, lalaki para bestfriend din sila hihi." Humagikgik ako.

"Iniisip mo na agad anak ko wala pa nga akong aanakan."

Natawa ko at pinunasan ang ilong ko. "Edi 'yung baliw na sinasabi mo," pang-aasar ko sa kanya.

"No way!" agad na sigaw niya.

"Bakit? Si Hope pa rin ba ang gusto mo?" nakangising tanong ko.

"Oo! Siya lang!"

"Edi si Hope lang."

Tinulungan niya akong mag-ayos ng mga gamit. Nalaman na rin ni Mama at Seven na buntis ako. Pinagalitan ako ni Mama pero natuwa si Seven dahil magkakaroon na siya ng pamangkin. Sa huli ay tinanggap din ni Mama at sinabi niyang ingatan ko raw ang sarili ko para sa bata.

Inaakala kong si Mommy ang tutulong sa akin sa bagay na 'to pero si Mama pa rin pala. Busy kasi si Mommy kaya hindi ko masabi sa kanya. Buti na nga lang at hindi pa nahahalata ang tiyan ko dahil maliit pa lang at sinabi rin ng doktor na maliit lang ako magbuntis.

Kinagabihan, alas sais ng gabi ay kinuha ko ang susi ng kotse ni Mama. Tulog kasi siya at sandaling umalis si Chance kaya makakalabas ako. Simula kasi nung nag sembreak ay hindi na nila ako pinapalabas.

I was wearing a black sando, high waisted denim shorts and white cardigan. Nanatiling nakalugay ang buhok ko dahil hindi na ako nag abalang itali ito.

Inilapag ko ang gitara sa passenger seat at in-start na ang engine ng kotse. Tumigil ang kotse sa isang private resort na pag-aari ng kaibigan ni Papa kaya nakapasok ako. Pagdating ko sa beach ay walang katao-tao kaya napangiti ako.

Umupo ako sa dalampasigan, sapat lang ang pwesto ko para hindi maabot ng tubig dagat ang katawan ko. Saglit akong napapikit nang humampas sa mukha ko ang sariwang hangin.

Napangiti ako. Hindi ko alam kung para saan ang ngiting 'yon dahil malungkot ako.

"We let the waters rise..." kanta ko nang ma-string ang gitara.

Ang bilis nang tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit.

"We drifted to survive," pagpapatuloy ko habang pinagmamasdan ang kalmadong alon.

"I needed you to stay..."

Hindi kita iiwan, Selene.

Bumagsak ang luha ko. Iniwan niya ako kung kailan kailangan ko siya.

Loving the Half Moon (Formentera Series #1)Where stories live. Discover now