Chapter 21

13.7K 129 6
                                    

Malakas ang ulan.

Basang-basa ako. Kahit ang bag ko ay basang-basa. Tulala akong naglalakad nang makalabas ako ng ospital. Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa.

Hindi ako handa sa batang 'to pero ayoko siyang patayin.

Anong gagawin ko?

Ito na nga yata ang wakas ko.

Natatakot ako. Natatakot ako dahil sa sakit ko at sa batang dinadala ko. Paano na ang buhay ko?

"Selene..."

Napatingin ako sa gilid ko. It was Haven. Nakangiti siya sa akin. Katulad ko ay basang basa rin siya.

Lalagpasan ko na sana siya pero hinawakan niya ang braso ko. "I have something important to tell you."

"Wala akong panaho—"

"I love you, Dos..." Napakunot ang noo ko nang marinig ang boses ni Haven sa cellphone na hawak niya. Nababasà 'yon pero mukhang water proof.

Itinaas niya ang cellphone niya at pumantay 'yon sa mukha ko. Naestatwa ako nang makita ang ginagawang kababuyan ni Dos at Haven. They were kissing and... both naked.

"I love you, too..." Napaatras ako nang marinig ang isinagot ni Dos kay Haven. Muli niya itong hinalikan pero hindi ko na kinaya ang sakit kaya malakas kong tinabig ang cellphone niya.

Tumawa siya. "This is my ace, Selene. Ito ang ugali ni Dos na sinasabi ko sa'yo. He never loved you. Alam mo ang nakakatuwa? Ito ang gabing sinabi niyang girlfriend ka niya... ito ang gabing naging kayo... pero ako ang ikinama niya."

Malakas ko siyang sinampal pero malakas lang siyang tumawa. Nanginig ang kalamnan ko kaya sinampal ko ulit siya. Hindi siya gumanti sa akin. Ngumiti siya at lumapit sa tainga ko.

"I am pregnant, Selene... and he's the father."

Biglang nagbara ang lalamunan ko. Napatingin ako sa kanya pero matamis lang siyang ngumiti at hinalikan ang pisngi ko. Pagkatapos no'n ay nawala na siya sa paningin ko habang ako ay parang nawala na sa sarili.

Dos, h-how... how could you... h-how could you do this to me?

Pagdating ko ng Citta ay nakita kong naghihintay si Dos sa tapat ng bahay. Lalagpasan ko na sana siya pero hinawakan niya ang braso ko. Malamig ko siyang tinignan.

"Bukas. Bukas tayo mag-usap." Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko.

Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat pero hindi ko masabi sa kanya ang pagbubuntis ko. Ayoko.

Nararamdaman kong hindi rin magtatagal ay maghihiwalay na kami.

Napapagod na ako. Walang binibigay na tamang dahilan sa akin si Dos sa pag-aaway na 'to. This fucking relationship became toxic. Nagsasawa ako sa palaging pag-aaway. At isa pa, habang kami ay nakabuntis siya nang ibang babae.

Tangina. Isa siyang gagong lalaki.

"Selene, pagod lang ako..."

Tumango ako. Ayokong magbago ang mood ko. Ayokong mag-away kami kaya ayoko nang sumagot. Magsama na lang sila ni Haven.

Wala ba siyang balak sabihin sa'kin ang kasalanan niya? Kung ganoon, itago niya na lang dahil ayokong marinig. Ayokong masaktan.

"Selene, kausapin mo naman ako. I have something to tell you."

"Selene, I'm sorry."

Hindi ako nagsalita. Pagod na talaga ako. Ayoko nang puro sorry lang. Bakit niya 'yon ginawa sa akin?

Loving the Half Moon (Formentera Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang