Chapter 4

6.5K 133 10
                                    

Tyler was now wearing a plain white t-shirt, black leather jacket, black ripped jeans and white sneakers. Magulo ang curtain haircut niya na korean style pero hindi 'yon naging dahilan para pumangit siya dahil mas lalo siyang gumwapo sa magulo niyang buhok.

Ang ganda talaga ng mata niya.

"Anong meron? Ba't pumayag kang manlibre?"

Nagkatinginan silang dalawa ni Chance. Tumunganga lang ako kay Tyler dahil hinihintay ko ang sagot niya.

"Syempre!" Napatingin ako kay Chance. "Syempre madamot ka, Selene. Si Tyler, hindi. Okay ka na?"

Tumaas ang nguso ko at ngumiti kay Tyler. Inaamin kong patay gutom ako at kung palagi akong ililibre ni Tyler, hindi ko na siya aawayin.

"What's with the smile?" tanong niya.

Kumuha ako sa balat ng manok ko at inilahad sa kanya. "Peace offering hehe. Sorry kung sinusungitan kita," nakangiting sambit ko.

Tumawa nang malakas si Chance. Sarkastiko. "Hoy, Selene! Never mo 'ko binigyan ng balat ng manok!" sigaw niya sa akin.

Hindi ko siya nilingon. Nanatili akong nakangiti kay Tyler. "Manahimik ka r'yan. Gravy lang ang mabibigay ko sa'yo," nakangiting sambit ko.

"Tss! May favoritism!"

Mahinang tumawa si Tyler at kinuha ang balat ng manok saka kinain. "Bait mo naman, baka pwedeng isang balat pa?"

"E kung balatan kita?" nakangiting tanong ko.

Tumawa ulit si Chance. Tawa na lang ang mai-aambag niya sa mundong 'to.

"Tama na, baka mapunta 'yan sa bardagulan," ani Chance at pinagpatuloy na ang pagkain.

Pagtapos naming kumain ay alam kong wala na talaga akong sakit. Nasa kotse na ako at tama lang ang pagpapaandar ni Tyler ng kotse niya. Napatingin ako sa gilid ng bintana sa labas dahil may nagtitinda ng kwek-kwek. Mas lalo akong natakam dahil may mga pipino. Shit.

I chuckled. Natatakam talaga ako sa kwek-kwek. Kahit busog na ako ay natatakam pa rin ako. Hinabol ko ng tingin ang nagtitinda.

Napanguso ako. Gusto ko ng kwek-kwek.

"Aray!" sigaw ko dahil tumama ang noo ko sa likod ng upuan ni Tyler dahil biglang tumigil ang kotse.

"Ba't tumigil ka?!"

"Ayos ka lang, pre?" tanong ni Chance.

"Oo, ayos la—"

"Hindi ikaw, Selene. Si Tyler 'yung tinatanong ko. Ayos ka lang, pre?"

Tinignan ko nang masama si Chance at gusto ko na siyang hambalusin. Ayos naman si Tyler, e! He should've asked me!

Sumandal ako at humalukipkip. Nakita kong tumingin sa akin si Tyler gamit ang front mirror at nilingon na ako. "Gusto mo ng kwek-kwek?" tanong niya.

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na tumango. Napangiti ako. Wow grabe! Mahilig siya manlibre, mukhang magtatagal ang friendship namin.

"Oo! Oo! Gusto ko!" mabilis na sagot ko habang tumatango.

"Bili ka," nakangising sagot niya at humarap na sa daan.

"Ah talaga? Mama mo!" sigaw ko sa kanya at napakunot ang noo ko dahil lumabas siya.

"Saan ka pupunta, Tyler?" tanong ni Chance.

"What are you waiting for, Selene? Ililibre nga kita, e."

Parang nag hugis puso ang mata ko at mabilis na bumaba. Kumapit ako sa braso niya. "Talaga? Thank you!" excited na sabi ko at hinatak na siya papunta sa nagtitinda ng kwek-kwek.

Loving the Half Moon (Formentera Series #1)Where stories live. Discover now