Chapter 13

4.8K 85 0
                                    

"You will lose. Instead of killing yourself, just kill the monster inside you and prayer is the most powerful weapon against downfall. Have the courage to deal with your problems and don't let depression hold onto you, if you let it... it will eat you alive."

Tulala ako habang nagsasalita si Tyler. Did I really do that? Did I try to kill myself?

He held my hand and that made me look at him. "Fear nothing, Selene. Nandito na ako. Poprotektahan kita."

"Bakit?" wala sa sariling tanong ko.

Natigilan siya. Tinignan ko ang kamay niya sa kamay ko. "Why would you protect me? Who am I in your life?" mahinang tanong ko.

"You are—"

"Selene? Gising ka na!" Napatingin ako sa pumasok.

Si Haven. May dala siyang prutas at inilapag 'yon sa gilid ng kama. Hinawakan niya ang kamay ko kaya natanggal ang pagkakahawak ni Tyler doon. "Kamusta?"

"Ayos lang..." sagot ko.

Pumasok si Chance. Kalmado lang siya. Lumapit siya sa akin pero hindi siya nagsalita.

Maya-maya lang ay may pumasok na naman. Nagulat ako nang makita ang pamilya ko.

"Selene! What were you thinking?! Mgpapakamatay ka talaga?! Saan mo natutunan 'yan?!" galit na sigaw ni Mama.

Hindi ako nakasagot. Alam ko naman na mali ang nagawa ko. Kasalanan 'yon.

I winced when she grabbed my wrist. Ramdam ko pa ang sakit no'n. "Dalawang araw kang tulog! Anong pumasok d'yan sa kukote mo para laslasin 'tong pulso mo?!" Tinulak niya ang sentido ko gamit ang hintuturong daliri niya.

"Don't push her!" sigaw ni Tyler kaya nagulat ako.

"Selma, huminahon ka nga!" galit na sigaw ni Papa.

"Tyler, calm do—" putol ni Haven.

"Can't you see? She's in the hospital! Nasa kama siya at kagigising lang tapos sinesermonan mo?!" Umigting ang panga ni Tyler.

"Tyler!" sigaw ni Chance.

Tumawa si Mama. "Wala akong pakialam sa'yo! Ikaw ba ang nagturo sa anak kong magpakamatay?!"

"Tama na..." awat ko.

"She did that because you're not acting as her parent! Hindi mo alam ang pinagdadaanan ng anak mo!" mariing sigaw ni Tyler.

"At ikaw, alam mo—"

"TAMA NA SABI!" Tinanggal ko ang mga nakakabit sa kamay ko at pinilit tumayo.

Hinarap ko si Mama at nagulat siya sa ginawa ko. "S-sinigawan mo ba ako, Selene?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo! Sinigawan kita at sinisigawan kita!" sigaw ko sa pagmumukha niya kaya malakas niya akong sinampal.

"Holy shit!" sigaw ni Tyler at haharang sana sa harap ko pero hinawakan ko ang braso niya.

"Selene, ayos ka lang?" mabilis na tanong ni Chance, nag-aalala.

Tinignan ko si Mama at tila nabigla siya sa ginawa niya. That was the first time she slapped me. Agad na inilayo ni Papa si Mama.

"Wala kang awa sa anak mo, Selma!" sigaw ni Papa.

"PARE-PAREHO LANG KAYO!" sigaw ko kaya natahimik silang lahat. "Kayo, Ma, Pa... ni minsan ba nagtanong kayo kung ayos lang ba ako?" tanong ko at nag-umpisang manubig ang mga mata ko.

Natahimik sila. "Ni minsan ba tinanong niyo kung anong nangyayari sa buhay ko?" Bumagsak ang luha ko. Ang sakit sakit ng dibdib ko.

Galit ako. Galit ako pero ang galit na 'yon ay napunta sa paghikbi.

Loving the Half Moon (Formentera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon