Chapter 25

14.3K 116 27
                                    

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. May mga ibon na lumilipad at huni lang nila at alon ang naririnig ko. Marahan akong huminga nang malalim at sinarado ang kurtina saka bumalik sa kama ko.

"Selene, it's breakfast time,"

Napatingin ako sa pinto. Iniluwa no'n si Travis na may dalang tray ng pagkain. Lumapit siya sa akin at inilapag sa bed table ang tray. "Kakagising mo lang?"

Tumango ako. "Kamusta si Third at Art?"

"They were crying pero napatahan na rin ni Mommy. Kumain ka na." Inayos niya ang tela na nakabalot sa ulo ko para makakain ako nang maayos.

Tumango ako. Sinubuan niya ako kaya hindi na ako nahirapan. Palagi namang ganito. Nakasanayan ko na.

It's been 1 year. Nailabas ko ang kambal ko at hanggang ngayon, buhay pa rin ako. Kaso nga lang, nakalbo na ako dahil sa pag chechemotherapy. Hindi ko na ipinaalam kay Dos na may anak kami dahil ayoko nang maging kumplikado ang lahat. Ganoon din kay Mommy, hindi ko na sinabi sa kanya dahil ayoko nang mag-isip pa siya. Hinayaan ko na siyang maging masaya sa pamilya niya.

Nabubuhay ako ngayon dito sa probinsya. Hiniling ko kasi kay Tita Lorna at Tito Felix na iuwi na lang ako sa probinsya at dito magpagamot. Mayaman sila at ang mga perang naiwan sa akin ni Papa ay ginagamit ko na rin.

Hindi ko na nakakasama si Chance pero paminsan-minsan ay dumadalaw siya sa akin. Galit nga ako sa kanya dahil nalaman kong nagloko siya sa karelasyon niya.

"Busog na ako, Travis," sambit ko nang makailang subo ako.

Binigyan niya ako ng tubig kaya uminom ako. Pagkatapos ay niligpit niya ang bed table. "Dadating ulit 'yung doktor mo bukas, Selene."

Tumango ako. "Sige, pero pakibantayan 'yung kambal ah?" sabi ko kaya tumango siya. Inayos niya ang kumot sa katawan ko pero hindi pa ako nakahiga dahil nakasandal lang ako sa headboard ng kama.

Iba na ang buhay ko ngayon. Kung noon, pinili kong saktan ang sarili ko para takasan ang problema, ngayon hindi na. Mas pinipili kong mabuhay para sa bagong buhay ko.

Apollo Savion Daferi III.

Alora Artemis Daferi.

They are my life. Sila na ang bagong buhay ko kaya ginagawa ko ang lahat para mabuhay para sa kanila. Hindi ko man ipinaalam kay Dos ang mga anak niya, gusto ko pa rin isunod ang pangalan ng anak namin sa kanya.

The first time I heard them cry, my outlook on life changed. I wanted to live for them because I wanted to be with them. Gusto ko silang makasama nang mas matagal na panahon pa kaya hangga't kaya ko, lumalaban ako.

Nakakasukang malaman na stepbrother ko na si Dos. Tangina. Napakalupit ng tadhana. Hindi man kami magkadugo, pero nakakasuka na ang tatay niya at nanay ko ay nagsasama sa isang bahay at may anak pa.

Lumabas ako. Bigla kong naalala si Seven. Alam kong matutuwa siyang makita ang mga anak ko. Ni hindi man lang niya nalaman na fraternal twins and pamangkin niya.

Naalala ko noong pinuntahan ko ang mga nang bully kay Seven. Sa inis ko ay pinagbabatukan ko sila kahit pa alam kong makakasuhan ako ng child abuse pero hindi naman nila ako kinasuhan dahil alam nilang dahil sa kanila ay pinili ni Seven na tapusin ang buhay niya.

"Lesson learned. Bullying is not just for fun or done when you have nothing to do. Bullying is a serious thing that should not be done because it can give depression to the victim or worse it can cause their death." Iyan ang bagay na sinabi ko sa kanila at nakiusap ako na sana ay huwag na nilang ulitin.

Hindi pa gumagaling si Mama, nanatili siya sa mental hospital dahil sa pagkakaalam ko ay mas lalong lumalala ang kalagayan niya. Nakakaawa man pero sa tingin ko kailangan niyang manatili ro'n. Isa pa, nakapatay siya ng inosenteng tao.

Loving the Half Moon (Formentera Series #1)Where stories live. Discover now