Chapter 17

4.8K 78 3
                                    

Gumagaling naman ang sugat ko sa leeg at may pinapahid ako para hindi mag peklat pero may iba akong nararamdaman.

Nilalagnat ako. Siguro dahil sa pagod. Naghabol kasi ako ng lessons at halos hindi na ako makatulog. Dalawang linggo na rin ang nakalipas at ngayon parang nabugbog ang katawan ko.

"Hala! Ate, nagdudugo ilong mo!" sigaw ni Seven kaya agad kong hinawakan ang ilong ko at pagtingin ko sa daliri ko ay may dugo nga.

"Sa init lang 'yan," sabi ko. Pinagpapawisan kasi ako.

"Tsaka ba't may mga pasa ka?" tanong niya pa.

"Dami mong tanong." Pinunasan ko ang ilong ko.

Tumingala ako. Ang bigat bigat ng katawan ko at hindi ko alam kung bakit. "Ate, nag di-diet ka ba? Namayat ka."

"Oh? Hindi ah, payat lang talaga ako," sambit ko.

Umiling siya. "Hindi, e. Namayat ka talaga. Tsaka, ba't parang may sakit ka?" tanong niya.

Binato ko siya sa mukha ng basang bimpo. "May sakit naman talaga ako. Nilalagnat ako oh," sabi ko kaya napanguso siya.

"Ba't ba parang malungkot ka ha?" tanong ko habang tinitignan siya. Nilalaro niya kasi si Sash.

"Eh kasi... 'di na umuuwi si Papa."

Natigilan ako. Isang buwan nang hindi umuuwi si Papa. Saan kaya siya naglalagi? Nag-aalala rin ako. Gusto kong malaman kung okay lang ba siya.

"Kung ako sa'yo, isipin mo na lang acads mo. Magiging maayos din 'yan si Mama at Papa." Tumayo ako para kumuha ng bagong damit dahil sobra ang pagpawis ng katawan ko.

Buti na lang at tumigil na ang pagdurugo ng ilong ko. Hinubad ko ang t-shirt ko at nagpalit ng bago. Bumalik ako sa kama.

"Baka sabihin mo kay Mama na may sakit ako, 'wag ah pektusan talaga kita," sabi ko.

"Oo na. 'Di kasi nag-iingat, eh."

"Woi nag-iingat ako! Talagang tinamaan lang ako ng lagnat ngayon," depensa ko sa sarili ko.

Hindi ko nga rin sinabi kay Chance o Tyler na may sakit ako dahil tiyak na mag-aalala pa ang dalawang 'yon.

"Kapag may naghanap sa'kin, alam mo na si Tyler or Chance 'yon. Sabihin mo tulog ako," utos ko kay Seven.

"Sige."

"Lumabas ka na, magpapahinga na ako," sabi ko at tamad niyang binitawan si Sash saka lumabas ng kwarto.

Doon lang ako bumagsak sa kama. Noong nakaraang linggo naman ay hindi ganito ang panghihina ko pero bakit ngayon dumoble yata?

I was about to close my eyes when someone knocked on my door. Napabuga ako ng hangin. "Pasok!"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Tyler. Medyo galit ang ekspresyon niya kaya napalunok ako. "Ikaw pala... gawa mo rito?"

"I asked you so many times if you were okay and you said you were fine but look at you. Your lips were pale. Ang payat mo pa. Selene, naman. Bakit mo pinapabayaan ang sarili mo?"

He's not my boyfriend tonight. He's my father.

"Hindi ko naman pinabayaan, nagkataon lang na nagkalagnat ako," sambit ko.

Hindi siya sumagot. Hinipo niya ang noo ko kaya napabuntong-hininga siya. "You're fucking burning," mariing sambit niya at inilapag ang bag niya na hindi pang school.

Binuksan niya 'yon at binuksan ang cool fever. Hinawi niya muna ang ilang buhok na nakaharang sa noo ko bago inilagay ang cool fever. "Kumain ka na ba?" mahinahong tanong niya kaya umiling ako.

Loving the Half Moon (Formentera Series #1)Where stories live. Discover now