Chapter 14

5K 96 3
                                    

"B-bakit mo 'yon ginawa?" tanong ko nang inilayo na niya ang mukha niya sa akin.

Kahit may face mask siyang suot ay pakiramdam ko hinalikan niya ako. Hinalikan niya ako ng walang permiso ko!

Parang wala na rin siyang pinagkaiba sa lalaking nang gago sa akin.

Tinanggal niya ang face mask niya at tinapon 'yon sa kung saan. Ipinasok niya ang isa niya pang kamay sa loob ng bulsa niya habang seryoso pa rin na nakatingin sa akin.

"I want you to be... mine."

Nanlaki ang mga mata ko. "A-ano? Alam mo ba ang sinasabi mo?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Lumapit siya sa akin. Amoy na amoy ko ang mabango niyang pabango. Kahit ang amoy ng mabango niyang hininga ay naaamoy ko na. Nakakalasing.

"I want you to be mine, Selene. Sa akin. Lang."

Napalunok ako at hindi ko na alam ang sasabihin ko. "Are you still afraid of me? To anyone?" mahinang tanong niya.

"I-I was traumatized. Still... please, don't t-touch me..." pagmamakaawa ko. Ayoko nang makita sa isip ko ang pang gagago sa akin ng lalaking iyon. Pagod na pagod na ang isip ko.

Nakatayo lang si Tyler sa harapan ko, seryosong nakatingin sa akin. "Yes, I will not touch you. I'll do what you say... as long as you allow me to be with you." He didn't touch me. "Could you do that? Could you allow me to be with you?"

"F-for what reason? B-bakit?"

"Nevermind. You don't have to answer me. I don't wanna pressure you. Mananatili ako sa'yo kahit hindi mo gustuhin... kahit ayaw mo, nandito pa rin ako." May jaw dropped. Nilagpasan na niya ako kaya muli kong naamoy ang pabango niya.

"Y-yes..."

I don't know why I said that. Bigla na lang iyong lumabas sa bibig ko. Naramdaman ko ang pagtigil niya sa paglalakad kaya agad ko siyang tinignan. May mga ngiti na sa mga labi niya pero hindi niya ako nilingon.

"M-mananatili ka ba sa'kin, Tyler?" tanong ko. Ang bilis bilis nang tibok ng puso ko.

Nilingon ako ng ulo niya pero hindi ng katawan niya. "Oo naman. Wala ka nang kawala sa'kin, Selene." Napanganga ulit ako nang kinindatan niya ako saka humarap na sa daan at naglakad palayo sa akin.

Napahawak ako sa puso ko. Iyon na yata ang pinaka gwapong kindat na nakita ko.

Lumipas ang mga araw hanggang sa hindi na umuuwi si Papa sa bahay. Annul na sila ni Mama. Tanging kaming tatlo na lang nila Seven ang nandito. Napakatahimik na ng bahay.

"Selene, tama na..."

Inagaw sa akin ni Haven ang bote ng alak. Naalala ko, sa sobrang depressed ko ay niyaya ko si Haven mag bar at heto ako ngayon, lasing na.

Ang totoo, ayokong maghiwalay sila dahil kawawa si Seven. Wala na akong pakialam sa sarili ko. Si Seven lang ang kawawa dahil bata pa siya.

"Gusto kong maglasing... 'yung gagapang ako sa kalasingan," mahinang sambit ko at inagaw sa kanya ang alak ko.

"You're already drunk, Selene. Tama na," aniya at akmang kukunin sa akin ang bote ng alak pero tumayo ako.

Pagewang gewang akong naglakad sa dagat ng mga tao hawak-hawak ang isang bote ng alak. I was out of balance and my face was about to kiss the floor when someone hugged my waist. I could feel his warmth hand on my waist. Hindi pa ako nakakatingin sa kanya ay hinila na niya ako palapit sa dibdib niya.

Pupungay-pungay ang mga mata kong tinignan siya. Noong una ay nanlalabo ang tingin ko dahil sa kalasingan pero saglit lang ay napangiti ako nang makita siya.

Loving the Half Moon (Formentera Series #1)Where stories live. Discover now